No Name Part 1

77.7K 2.5K 808
                                    

#81 NO NAME

[ASPER]

Pano na'to? Patay na.

Kabadong kabado ako sa kaharap ko ngayon. Para akong human target na hindi matama-tamaan ni mamang di nauubusan ng baraha. Napapalibutan na nga ako ng matatalim na baraha eh, pakiramdam ko konting galaw ko lang mahihiwa na balat ko sa sobrang kintab ng talim. Konting konti nalang din sana mabubuksan ko na ang pintong kinasasandalan ko kaso talagang mas mabilis ang baraha niya kaya hindi ko nagawa sa halip ay natrap ako sa gitna ng mga baraha niya na ngayo'y para chalk na tinatrace ang hulma ko. Di ako makagalaw sa takot na mahiwa ako idagdag pa na pati damit ko ay parang naipin na rin kasama ng braha. My goodness!

"Mukhang napipi ka na ata binibini." nanunuyang sabi niya.

"B-bakit mo ba gi-ginagawa sakin to?!" matapang na tanong ko.

"Hnnn. Bakit nga ba?" tanong niya na animo'y para sa sarili niya lamang. "Hindi ko alam eh! HAHAHAHA!" Tawa niya ng humakbang sya ng isa papalapit sakin. Para syang baliw-Ay mali! Baliw na nga ata sya!!

"H-hindi ka na-nakakatuwa." Nauutal kong sabi.

"Hindi ba? Hahahaha." patuloy niya pa ring tawa kahit na hindi umaayon sa kanyang ekspresyon ang tawa niya. Mukha pa rn syang nakakatakot.

"Baliw ka na." Sabi ko na hindi pa rin makagalaw. Nahinto naman sya sa kanyang pagtawa ngunit nakangisi pa rin sya.

"Am I?" At tuluyan na niya akong naabot. Yumukod sya at nilapit niya ang mukha niya sakin na halos gahibla nalang ang pagitan ng mga ilong namin. Ni hininga niya ay nararamdaman ko na sa mukha ko. Mas lumapit pa sya sakin kaya mariin akong napapikit at itinagilid ang mukha ko. Sa imahinasyon ko man o hindi, ayokong mahalikan ng isang tulad niya! Porket di ako makagalaw dito ay mananamantala sya?! Shit.

Narinig ko nalang ang mahina niyang pagtawa ng nakakaloko at ang marahan niyang paghaplos sa pisngi kong nakaharap sa kanya. 'Pikit lang Asper wag kang padadala sa takot.' paulit ulit na bulong ko sa isip ko.

"Maganda ka. Katulad niya." bulong niya na halos hangin lang ang naririnig ko. Bigla naman akong kinilabutan sa narinig. Niya? Mas lalo naman sya lumapit sa may tenga ko. "Napakaganda. Parang isang bulaklak sa hardin na gustong-gusto kong pitasin at sirain." dagdag niya habang himas himas ang pisngi ko hanggang sa baba ko. Paulit ulit na dahilan para magsitaasan ang buhok ko sa katawan. Nakaramdam ako ng kilabot sa bawat salitang binibigkas niya na para bang kaya nitong lukubin ang buong pagkatao ko sa takot at kaba.

"Wa-wala akong gi-nawang m-masama sa-sayo." nauutal kong sabi. Napatawa naman sya ng mahina.

"You're naive." sabi niya. "That's why you're stuck. Here."

"Hindi kita maintindihan." sabi ko.

"At hindi mo kailanman maiintindihan but I like you like that." Naikuyom ko naman ng mahigpit ang kamay ko sa sunod niyang sinabi. "Being stupid."

"You're stupid." ulit pa niya na mas lalong ikinabukal ng dugo ko. Hindi ako bobo!

"So stupid na kahit nasa harap mo na di mo pa rin napapansin."

"I'm not stupid." diretsong sabi ko na hindi ko malaman kung saan ako nakakuha ng sapat na lakas ng loob para hindi na kabahan sa kanya dala na siguro sa galit sa pagtawag niya sakin ng bobo.

"You" parang hangin pa rin na bulong niya. "Are." na ngayo'y naidikit na niya ang bibig niya sa tenga ko. "Stupid." nakangising bulong niya.

Okay That's it!

Sa sobrang pagkairita ko ay naramdaman ko nalang na may kung anong bumukal sa loob ko na para willow ng tubig sunod sunod iyon na tanging ako lang ang nakakarinig. Parang bulkan na tinutulak ng sariling pressure papalabas sakin. Wala na akong ibang marinig o maramdaman tanging yung tubig lang na kumukulo na halos higupin na buong pagkatao ko. So I did what my instinct is telling me. I push him with all that strength.

Lost Academy Where stories live. Discover now