The Other One

118K 3.5K 295
                                    


Short Update for today.. ^^

*****

*Asper's POV*

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko, nakakarinig kasi ako ng mga boses na nag-uusap. No, more like nagtatalo.

"Oh ayan gising na." sabi ng kung sino man. Hindi ko kasi nakilala ang pagmumukha niya all i know ay naka-lab gown sya.

"AAYYY!! BRUUUUUUHA!!" tili ni Ashley. NAKAKARINDI. Agad naman syang tumakbo patungo sakin at yumakap ng mahigpit.

"Asper!" masiglang sabi ni Nikki. Napatingin naman ako sa gilid niya, nakatayo dun si Kayle, nginitian niya lang ako. O..kay?

"IKAW bruha ka! Simula nung naknock down ka di ka na gumising ng isang linggo, alam mo bang may mga nag-aalala sa'yo at huy! Asper, ba't di mo sinabi saming may cute na cute at super cute kang guardian?! Naglilihim ka na??......." and blah blah blah... Di ko na maintindihan ang iba pa niyang sinasabi dahil naka focus lang ang mind ko ang thought na ISANG LINGGO AKONG TULOG?! Aba kanina lang akong gumising ah?! At aba-teka asan na yung Rave na yun?!

"HUY NAKIKINIG KA BA?! Asper naman! Ang dami dami ko ng sinabi di ka pala nakik-" naputol si Ashley kakadada nang putulin siya nung lalaking nakalab gown.

"Ah Ms. Gillo, binibigla mo yata si Ms. Rij."

"Oo nga naman Ashley, wala kang padawad." natatawang sabi ni Nikki.

"Wait up! Anong sinabi mo kanina? Isang linggo nakong- AKONG NAKATULOG?" sabi ko sabay turo sa sarili. Finally, nasabi ko na talaga! Nagkatinginan naman sila at sabay sabay na tumango.

"O...kay?" hindi pa rin ako makapaniwala. Isang linggo? Parang kanina lang ako gumising eh. Am i still dreaming that time? No, alam kong gumising talaga ako, and why the-Oh wait!! Naalala ko na! May nangyari dun sa training room and and and..... whaaat?! It's vague!

"Kaya mo na bang tumayo?" tanong nung nakalab-gown. Tumango tango naman ako saka ko sinubukang tumayo. And Luckily, hindi naman ako nakaramdam ng pagkahilo o kung ano.

"Mabuti naman at kaya mo ng tumayo, Naku Bruha ka! Ang dami mo ng namimiss na mga lessons! and blah blah blah.." panenermon ulit ni Ashley. Di ko na talaga maintindihan ang mga pinagsasabi niya. >.>

******

Matapos ang kulitan at mahaba habang usapan dun sa infirmary ay dumiretso na agad kami sa classroom, agad agad talaga, di man lang ako pinagpahinga pa kahit ngayong araw lang kasi tama na daw yung tulog ko na isang linggo. Pasalamt nalang ako na Vacant pa ngayon >.<

Nakaub-ob pala ako ngayon sa desk ko. Inaalala ko pa rin kasi kung gumising ba talaga ako kanina o hindi pero sabi naman daw nung nakalab-gown kanina na babalik lang daw ang iba ko pang memories in a short while. Psh.

*BLAAAAAG*

Napaayos ako ng upo nang bigla nalang bumukas ng napakalakas ang pintuan ng classroom namin. Lahat ng kaklase ko napatigil naman sa kani-kanilang ginagawa. Ayos ah, agaw eksena.

O___O

Sino yan?

Bumungad samin ang isang lalaking di ko alam kung saan nanggaling pero pamilyar ang itsura niya. teka, san ko nga ba sya nakita? Hmmmm. Puti ang buhok niya tapos Blue pa ang mga mata nito, lumibot naman ang paningin nito sa loob ng classroom pero nung magkatinginan kami, Di ko alam kung ako ba talaga ang tinitingnan niya ah. WALA PO AKONG ATRASO SA TAONG YAN!! PRAMIS!!

Huminto na siya sa paglilibot ng tingin at dire-diretsong pumasok sa loob ng classroom take note, PADABOG, saka umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Nangunot naman ang noo ko. Oo nga't bakante yung upuan pero hello? Wala pa kasi yung nakaupo dyan which is si Holey, remember her? Ay wag nalang.

Lost Academy Where stories live. Discover now