Chapter 14 - The Hard Reality

8.7K 157 4
                                    

Diana's POV

After ng naging confrontation namin ni Nathaniel ay tinawagan ako ni Edrian, pinapauwi agad ako dahil umuwi na daw sila papa.

Excited rin ako, siyempre. Makakasama ko si Papa. Sobrang timing din dahil wala ang techer nammin sa Physics, ang last subject kaya mas maaga akong nakauwi.

Pagkaparada pa lang Manong ng saskayan ay agad na akong bumaba. Magrereklamo pa sana siya kaso nakalayo na ako. Ng malapit na ako sa may pinto binagalan ko na ang paglalakad ko. Para hindi naman masyadong halata na sobrang excited ko.

"Yana iha, maaga ka yata ngayon?"

"Wala po kasi ang teacher namin Yaya Teresa"


"Ah, sige punthan mo na daddy mo. Nasa sala sila."

Pumunta na ako sa sala at gaya ng sinabi ni Yaya Teresa ay nandoon nga sila daddy. Sinalubong agad ako ni Tita Elvie ng makita niya akong papalapit. Medyo nailang pa ako ng bigla niya akong niyakap.

"I'm glad your here. Na miss ka na kasi namin ng daddy mo." sabi nito saka ako iginiya paupo sa sofa.

"Magtatampo na talaga ako nito. Bakit si Tita Elvie mo may yakap tapos ako wala?"

Napatingin ako kay Tita Elvie. Nakangiti lang siya. Hindi ko na rin naman napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa Papa ko at niyakap siya. Pwede ko bang sabihin na namimiss ko siya kahit hindi pa naman kami gaanong nagkakasama?

Hindi ako sigurado kung gaano kami katagal nagyakap ng Papa ko. Basta kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya ng may narinig kaming parang sumisinghot. Pagtingin ko, si Yaya Teresa pala, may dalang tray ng juice at umiiyak.

"Yaya, stop crying......" Sabi ni Tita Elvie habang nagpapahid ng luha, umiiyak na rin pala siya.

"Pasensiya ka na Elvie.. hindi ko lang napigilan, ang sweet kasi ng mag-ama."

Hindi ko mapigilang matawa kina Yaya at Tita. I did'nt know na iyakin pala silang dalawa.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata." Napasimangot si Tita sa sinabi ni Papa. Nagkatinginan kami tapos sabay na nagtawanan.

Pinaupo ako ng Papa ko sa tabi niya at nagkwentuhan. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin. Lalo pa at napakadaldal ko na ngayon. Bigla-bigla na lang nawala ang hiya ko.

Pagkatapos ng mahigit isang oras ay niyaya ako ni Tita na sumama sa kanya sa supermarket. May kailangan daw siyang bilhing mga ingredients para sa lulutuin niya. Almost one hour din ang biyahe papuntang mall.

Si Tita ang kumukuha ng mga bibilhin habang ako ang nagtutulak ng cart.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon