Chapter 52

390 7 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Nung tumama sakin ang spotlight bigla na lang nag sound ang isa sa mga pinaka gusto kong kanta, yung little do you know ni Alex and Sierra pero mas kinagulat ko dahil boses ni Ricci ang kumakanta. Napalingon ako at hinanap ko kung nasaan siya pero wala talaga akong makita.

Unti unting gumalaw ang spotlight at parang gusto akong dalhin sa isang lugar, sumunod ako kung saan ako dadalhin ng spotlight na ito. Teka parang wala naman akong may natatandaan na may ganito. Sobrang kinakabahan ako ngayon, parang hindi ko alam kung bakit ganito yung eksena ngayon. May mga naiisip ako pero parang impossible.

Nagulat ako dahil biglang lumapit sakin si Javi at may binigay siyang isang red roses. May maliit na card na nakasabit at binuksan ko ito. Acceptance, ito ang nakasulat dito.

"May I have this dance, my beautiful cousin?" Tapos inoffer niya sakin ang kamay niya.

Kinuha ko naman yung kamay niya at yung isang kamay ko nasa leeg niya, yung isang kamay niya naman nasa bewang ko. Sumasayaw kaming dalawa at ang music namin ay little do you know na boses ni Ricci ang kumakanta.

"Acceptance, mahal naniniwala ako na isa ito sa kailangan natin para mas maging matibay ang relasyon nating dalawa. Salamat dahil tinggap mo ako ng buong buo, ang lahat ng mga magaganda at pangit na meron ako tinanggap mo. Thank you kasi tinanggap mo pa din ako kahit madami na akong mga kasalanan na nagawa sayo. Mahal nais ko lang na malaman mo na tinatanggap din kita ng buong buo, lahat ng mga imperfections mo in life tatanggapin ko yan mahal. I love you from head-to-toe mahal!"

Habang sumasayaw kami ni Javi at may music na little do you know, narinig ko yung boses ni Ricci at lahat ng mga sinabi niya sakin. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero nararamdaman kong nandito lang din siya.

"Congrats insan! Your so lucky to have him!" Tapos niyakap ako ni Javi at kiniss niya ako sa forehead. "See you later insan." Tapos tumalikod na siya sakin.

Tapos biglang lumapit naman sakin si Juan. Binigyan niya din ako ng isang red roses at may card ding nakakabit dito. Binuksan ko yung card at ang nakalagay naman dito ay, Loyalty.

"May I have this dance with you madam?" Nakangiting sabi niya at inoffer niya din sakin ang kamay niya.

Inabot ko naman yun at nilagay ko din yung isang kamay ko sa leeg niya, nilagay niya din yung isang kamay niya sa bewang ko.

"Loyalty, mahal ito ang ikalawang kailangan natin para mas mapatibay ang relasyon natin. I know sobrang loyal mo sakin and thank you so much for that mahal. I promise to everyone here that I will be loyal to you, actually loyal naman talaga ako sayo pero gusto ko lang sabihin sayo at sa harap ng lahat ng mga taong nandito na magiging loyal ako sayo. Kahit na isang milliong babae pa ang ibigay sakin ni Lord, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko because I know you are one in a million unique in every way. Bukod sa pamilya ko, ikaw lang ang nagmahal sakin ng sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Mahal na mahal din kita Akisha Jade sobra pa sa pagmamahal mo sakin at sa pagmamahal ko sa sarili ko. I love you till the sun dies."

Then after niya sabihin yun sinabayan niya ang pinakahuling linya ng kanta at kinanta niya iyon.

Nagulat ako dahil niyakap then ako bigla ni Juan. "I know na mahal na mahal niyo ang isa't isa kaya alam kong pareho niyong deserve ang isa't isa. For all the ups and downs that came along in your journey, now it's time to embrace your happiness and I know that happiness of yours is to be with him and to be his lady..." then kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin. "You are so lucky to have him, I know you will be happy with him and always remember what ever happens, we are all here for you, madam." Then kiniss niya ako sa forehead at umalis na siya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now