Chapter 46

434 5 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Wag na kaya tayong tumuloy bro? Late naman na tayo kaya umuwi na lang tayo." Seryosong sabi ko kay Juan habang nakahawak ako sa braso niya.

"Ilang hakbang na lang nandito na tayo tsaka ka pa mag baback-out? Chin up madam malapit na tayo." Nakangising sabi niya sakin at inangat niya yung mukha ko.

Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad namin. Sobra akong kinakabahan ngayon, after five years magkikita na din kami. Nag inhale exahale ako bago ako humakbang papasok sa loob kung nasaan si Ricci.

"Don, kinakabahan ako." Mahinang sabi ko.

"Chin up and smile, kaya mo yan madam." Tapos ngumiti siya sakin.

Pagpasok namin sa loob narinig ko agad ang sound at hindi naman sobrang maliwanag dito. Siguro tapos na silang mag dinner kaya nag change lights na sila. Medyo dim na din at medyo malakas na yung sound nilang pang party.

Mabuti na lang dahil nung pumasok kami medyo dim na kaya wala masyadong may nakakita samin.

"Juuuaaan!" Teka boses ni Paul yun ah?

Napalingon ako sa kanya at tama nga ako dahil si Paul nga iyon. Lumapit siya samin ni Juan, nagulat siya ng makita niya kaming magkasama ni Juan.

"Hey Jade long time no see." Nakangiting sabi ni Paul.

Nag beso naman ako sa kanya at ngumiti ako. "Oo nga sobrang tagal na din mag mula nung huli tayong nagkita." Nakangiting sabi ko at bumalik ako sa tabi ni Juan.

"Mas lalo kang gumanda Jade." Nakangiting sabi niya.

"Wow thank you, ikaw din mas gwapo ka ngayon." Sabi ko at humawak ulit ako sa braso ni Juan.

"Ako ang kaibigan mo pero siya ang kinakausap mo?" Seryosong sabi ni Juan habang nakatingin kay Paul.

"Ikaw naman bro masyado ka namang nagseselos, halika nga dito." Nakangising sabi niya at lumapit siya kay Juan. "Limang taon ka ding nawala bro, sayang hindi ka nakasama samin sa gilas." Nakangiting sabi niya.

"Selos your face! Oo matagal na din akong hindi nakakalaro, pero kung mapapasama ako ngayon edi tatanggapin ko, pag hindi edi tatanggapin ko pa din." Nakangiting sabi niya.

"Kausapin namin si coach Yeng bro, magaling ka at alam kong makakasama ka samin." Tapos tumingin siya sakin. "Kung hindi ko alam ang totoo baka isipin kong mag jowa kayo." Nakangising sabi ni Paul.

"Juaaaan!" Nakita ko namang mabilis na naglalakad si Kobe papalapit samin.

"Brother!" Nakita ko din si Javi na nasa likod ni Kobe.

"Dami mong utang na kwento sa kanila, don." Nakangising bulong ko kay Juan.

"Mukhang mapapasubo nga ako nito." Ngumisi din siya sakin.

"Brotha! Good to see you here! Mabuti na lang pumayag kang pumunta dito." Nakangiting sabi ni Javi at niyakap niya si Juan.

"Long time no see bro!" Tinapik siya sa balikat ni Kobe at niyakap din siya nito.

"Alam ko na miss na miss niyo ako kaya pwede bang bitawan niyo muna ako?" Seryosong sabi niya.

"Insaaaan!" Lumapit sakin si Javi at niyakap niya ako. "Mabuti at nakapunta ka dito."

Niyakap ko din siya pabalik. "Hindi ka na ulit bumalik sa Italy, ang daya mo jave sabi mo babalik ka." Kunwaring nagtatampo kong sabi.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at kinurot niya yung ilong ko. "Nagtatampo nanaman si madam, isang taon pa lang tayong hindi nagkikita pero mas lalo kang gumanda. Ang sexy mo pa sa suot mong damit ngayon, ang totoo may pinaghahandaan ka?" Nakangising sabi niya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now