Chapter 37

327 6 0
                                    

*Ricci POV*

"Do you really did love me? or you just did because I do?" Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Mahal kita love at hindi ko kayang mawala ka." Hahawakan niya sana ang kamay ko ng ilayo ko ito at nilagay ko sa likod ko.

T@ng!na hindi ko alam kung tama pa bang paniwalaan ko ang mga sinasabi niya sakin. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi na ako naniniwala sayo Jade! Pagkatapos kong makita lahat sa tingin mo maniniwala pa ako?" Cold kung sabi at ibinaling ko sa iba ang tingin ko.

"A-ano ba talagang problema love? J-just tell me at a-ayusin natin yun." Umupo siya sa upuan at hinila niya yung isang upuan paharap sa kanya. "S-sit here and tell me e-everything, pag uusapan natin yan."

Ang kapal ng mukha niyang utusan akong umupo sa harap niya sa tingin niya susundin ko siya? Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas na harapin ako araw araw at lokohin ako.

"You want to know everything?" Seryosong sabi ko at hinawakan ko siya sa braso patayo.

"Y-yes love I w-want to know e-everything." Nakita ko pa siyang saglit na pumikit at sinubukan niyang alisin ang braso niyang hawak ko.

"Naalala mo ba nung araw na na sa condo ko tayo? Nagbihis ako kasi aalis tayo. Pagkatapos kung mag bihis lalabas na sana ako ng marinig kung may kausap ka sa cellphone mo..." Tumigil ako at binitawan ko yung braso niya.

"Alam ko hindi yung daddy mo ang kausap mo at narinig ko pa kung paano mo sinabing, No I won't! Ako na lang ang aalis hindi siya pwedeng makita ni Ricci, alam mo naman na gusto siyang patayin ni Ricci tapos isasama ko pa siya? Yes I'll make sure that his safe don't worry." Tapos ginaya ko pa yung pagkakasabi niya non.

Napatingin ako sa kanya at napayuko siya sa sinabi ko.

"Doon palang Jade may kutob na ako, kaya nung sinabi mong uuwi ka pinayagan kita kasi gusto kong malaman kung ano ang tinatago mo sakin Jade. T@ng!na sana hindi nalang kita sinundan nung araw na yun Jade! Sobrang sakit na nakikita mo yung taong naging mundo mo na, na sa mall masaya na nakikipag harutan sa isang lalaki! Lalaki ako Jade at alam kung hindi lang pagkakaibigan ang meron sa inyo ni Brent!" I closed my fist dahil parang gusto ko siyang saktan.

Bumalik nanaman sakin ang sakit na naramdaman ko nung araw na yun. T@ng!na pinaniwala niya ako sa mga salita niya, yun pala hanggang ngayon nakikipagkita pa din siya kay Brent. Tapos kung umasta sila ni Brent sa mall akala mo walang boyfriend!

"Omaygod! So you mean yun yung dahilan bakit galit na galit ka sakin ngayon?" Hindi ko alam kong tama ba ang nakikita ko ngayon na ngumiti siya o baka guni-guni ko lang yun.

Mas lalong uminit ang ulo ko nung nakita ko siyang lihim na napangiti. "T@ng!na Jade nagagawa mo pang ngumiti? Grabe kakaiba ka talaga! Sana una pa lang sinabi mo na saking siya pa din hanggang ngayon! Hindi na sana ako naniwala sa mga kasinungalingan mo! Ang p*ta ko para maniwala sa lahat ng mga sinabi mo!" Sigaw ko at lumayo ako sa kanya dahil alam ko baka hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko na saktan siya.

"L-love please let me expl---"

"Save your explanations Jade! Tama na maawa ka sa sarili mo sobra sobra na ang mga kasinungalingan mo! Hindi mo kailangan na magsinungaling pa sakin dahil kitang kita ng mga mata ko Jade! Kitang kita ko lahat ng ginawa niyo sa mall, kung paano kayo nagtitigan, kung paano kayo naglandian, kung gaano kayo kasaya habang kasama niyo ang isa't isa, kung paano mo siya hinayaan na halik halikan ka niya sa harap ng ibang tao..." Tumigil ako at tumingin ako sa kanya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now