Chapter 23

550 8 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Nagising ako ng may maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Pag mulat ko nakita ko agad ang mukha ng lalaking mahal ko na nakangiti.

"Good morning mahal ko." Then after that kiniss niya ako sa lips ko.

Napangiti ako sa ginawa niya. "Good morning din love. Grabe ka hindi pa ako nakapag toothbrush kiniss mo na ako sa lips."

"Ayos lang yan mahal, ayaw mo yun bago ka natulog kiniss kita tapos pag gising mo din mismo kiniss ulit kita?" Ngumisi siya sakin.

"I'm not a bedridden love." Paano ba naman kasi pati sa pag bangon ko inalalayan pako.

"Alam ko mahal gusto lang talaga kitang tulungan. Gusto ko sana mag breakfast in bed mahal, kaso naisip ko baka hindi kasya ang mga pagkain na niluto ko dito sa kama ko." Ngumiti siya ng napaka lapad sakin.

"Ang dami mong niluto?" Napatingin ako sa kanya.

Tatayo na sana ako para pumunta ng kusina pero nagulat ako ng binuhat niya ako, yung buhat na pang bridal style.

"Hayaan mo akong gawin to mahal practice na rin to para sakin. Alam mo na after our wedding may ganito talagang mangyayari pag gising natin sa umaga." Ngumisi siya sakin at nag simula na siyang mag lakad. "Alam ko kasi na mapapagod ka sa gabi kaya gusto kung buhatin ang aking mahal na prinsesa."

Dinala niya na nga ako sa kusina ng unit niya. He never fails to make me smile everyday. Ang gandang simula ng araw na to sana mag tuloy-tuloy.

Nagulat ako dahil pag pasok namin nakita ko agad ang mga niluto niya. Ang dami ngang pagkain,
may bacon, ham, hotdog, egg, fried chicken at may pa fried rice pa si mayor! May sandwich din siyang ginawa. Tapos may pa gatas din si mayor!

Tumingin ako sa kanya na parang hindi maka paniwala na niluto niya lahat ng ito. "Seriously love?"

Pinaupo niya ako tapos umupo din siya sa harap ko. "Yes mahal ako nga ang nagluto lahat ng yan. Ayokong magutom ang mahal na prinsesa ko. Tsaka may game kami mamaya at ngayon pa lang naririnig ko na ang pagsigaw mo ng 'Shoot that ball for me love!' right mahal?" Ngumisi pa siya sakin after niya sabihin yun.

"Tse ewan ko sayo! Maiba ako love wala ba kayong training ngayon?"

Nilagyan niya muna ng mga pagkain ang plato ko at pag sinabi kong mga ibig sabihin non lahat ng pagkain na meron dito nilagay niya sa plato ko.

"Wala mahal may game kami mamaya at kailangan namin mag palakas, tsaka maaga kaming pupunta ng araneta. Sige na mahal kumain ka na."

"Do you think mauubos ko lahat to love? Hindi ka pa din nag babago. Hala sige bawasan mo yung laman ng plato ko." Seryosong sabi ko.

Tinignan niya lang ako ng seryoso. "Tigilan mo ako sa mga tingin na yan Rivero. Sasakit yung tiyan ko niyan mamaya sa dami ng pagkain na nilagay mo. Sige na bawasan mo na yan."

"Hindi ko babawasan yan kaya sige na kumain ka na mahal."

"Isa! Rivero pag sinabi kong bawasan mo bawasan mo." Seryosong tingin ang ginanti ko sa mga titig niya sakin.

"Kakainin mo lahat ng yan mahal, tignan mo oh ang payat mo na."

"Isa!"

"Dalawa." Nakangising dugtong niya.

"Aalisin mo o uuwi ako?"

"Uuwi ka o hindi ako lalaro mamaya?"

"Are threatening me? Aalisin mo o makikipag hiwalay ako sayo?" Seryosong sabi ko.

Endless Love (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα