Chapter 19

535 5 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa batangas. Kahapon nag swimming lang kami sa pool nila dito then nag pahinga saglit tsaka kumain ng dinner tapos nag pahinga na ulit kami kasi ngayon na lang daw namin ituloy ang pag iikot dito.

"Nasan na ba si Brent at Sam sweetie?" Tanong ni mommy.

Nandito na kami sa tabing dagat pero wala pa din ang dalawa. We decided na ngayon kami maliligo sa dagat kasi ang ganda ng sikat ng araw. Kahapon kasi almost six na kami lumabas kaya sabi namin yung pool nalang muna nila ang ita-try namin.

"Masyado yatang sinulit ang pahinga nila mom para mag ka energy sila ngayon." Nakangiting sabi ko.

"Sinabi ko naman sa kanila na maaga tayo ngayon kasi uuwi tayo mamayang gabi."

Uuwi na nga kami mamayang gabi akala ko pa naman bukas pa ang uwi namin. May tumawag kasi kay mommy kanina kailangan daw kasi siya, you know business. Nakalimutan kung sabihin na si mommy na ang nag papatakbo ng isang branch ng hotel nila lola dito sa manila. Actually si Tita Valerie talaga ang nag papatakbo ng branch na yun kaso nga umalis na si Tita kaya si mommy na ang nag aasikaso dito.

"Hi miss your so beautiful just like your mom. This flower is for you and one flower for your mom also. My name is Brent." Napangiti ako sa ginawa ni Brent.

Hindi namin napansin na nakatayo na pala siya sa likod namin. Tinignan ko si Samantha at nakita kung may tatlong rosas na pula siyang hawak. Yung samin ni mom naman tig iisang tulips.

"Your so sweet son." Nakangiting sabi ni mommy tsaka niyakap si Brent.

"Ang tamis natin ngayon brent ah, anong meron?" Napangisi ako sa kanya. "Sissy sinagot mo na ba tong si brenty?" Nakangiting sabi ko.

Bigla silang napatingin sakin at ngumiti si mommy, si brent naman hindi ma ipinta ang mukha at si Sam naman parang kinikilig na nahihiya.

"Really son nililigawan mo tong si Samantha?" Masayang tanong ni mommy.

"Tita hindi po nanliligaw sakin si Brent, bestfriend lang po ang tingin niyan sakin."

"Bestfriend nga lang ba brent? Tsaka sissy hindi naman ikaw ang tinatanong ni mommy." Nakangising sabi ko.

"Actually mama gusto ko nga sana siyang ligawan kaso baka busted ako kaya mas mabuti na lang na bestfriend na lang muna kami." Yung mukha ni Brent namumula na din.

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Samantha.

"Mommy I think kailangan nila ng time para ma pag usapan ang totoong estado nila. Mom may nakita akong magandang coffee shop dito I want to try their coffe." Nakangiting sabi ko kay mommy.

"Oo nga sweetie I think masarap ang coffee nila don kasi madaming taong pumupunta don. Dito na muna kayong dalawa ni Samantha son gusto ko lang masulo ang anak kung babae." Nakangisi ding sabi ni mommy.

Hindi ko na hinintay na makapag salita pa ang dalawa at hinila ko na si mommy papuntang coffee shop.

****

"Ito na po ang order niyo madam." Nakangiting sabi ng waiter.

"Salamat." Ngumiti din si mommy sa kanya.

"Your welcome po madam, by the way ang ganda po ng anak niyo mana po sa inyo." Tumingin pa siya sakin at ngumiti.

"Thank you for the compliment, your so handsome also and I like your dimples." Ngumiti ako sa kanya after ko sabihin yun.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now