Chapter 49

423 4 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Ano sissy hindi pa din ba nag paparamdam sayo ang jowa mo?" Iritadong sabi ni Samantha.

"Hindi pa sissy, two days na siyang hindi nag paparamdam." Malungkot na sabi ko.

Isang buwan na din ang lumipas at naging maayos na din ang lahat. Sa loob ng isang buwan mas lalong naging sweet si Ricci, mas naging possessive pa. Araw araw siyang may mga surprise, hindi ko alam kong paano niya ginagawa lahat ng mga yun.

Nag opening na din ang bagong brach niya last week, kaming dalawa pa nga ang nag ribbon cutting. Yung pangalan ng mga negosyo niya ang corny pero sobrang sweet.

"Baka naman nag hanap na yun ng ibang babae sa states." Seryosong sabi ni Brent.

Binatukan naman siya ni Samantha at tinignan ko naman siya ng masama.

"Wag kang maniwala sa kanya sissy, alam mong hindi magagawa ni Ricci yun." Seryosong sabi niya.

Nasa states kasi ngayon si Ricci at sabi niya babalik naman siya agad at hindi naman siya aabutin ng isang linggo. Pang apat na araw niya na ngayon sa states at dalawang araw na din siyang hindi nagpaparamdam. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang pinunta niya doon, ang paalam niya lang sakin business daw yun.

"Umuwi na nga kayong dalawa nababanas ako sa inyo!" Tapos tumayo ako sa sofa.

Pumunta na lang din ako sa swivel chair ko at binuksan ko na yung laptop ko. Nandito kasi sila sa loob ng opisina ko at mabuti na lang dahil wala ako masyadong ginagawa.

"Palagi na lang mainit ang ulo mo sissy, tapos hindi ka na masyadong kumain." Seryosong sabi ni Samantha.

"Don't tell me buntis ka? Baka tinakbuhan ka na ni Rive---"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil binato ko siya ng ballpen.

"G@g*! Paano ako mabubuntis wala naman may nangyari samin! Umuwi na nga kayong dalawa! Dito pa kayo naglambingan sa harap ko!"

Tapos tinuon ko na yung attention ko sa laptop ko. Bakit ba kasi hindi siya nag paparamdam sakin? Humanda talaga sakin yun pag bumalik siya.

"Mag pa buntis ka na lang sa kanya insan para hindi ka na niya iwan!" Nakangising sabi niya.

Sinuntok naman siya ni Samantha at tinignan ko naman siya ng masama.

"Upakan kita gusto mo? Sige na umalis na kayo!" Tapos tumayo ako at hinila ko siya patayo.

"Halika na nga babe mukhang stress si sissy ngayon." Nakangising sabi naman niya at hinila na si Brent.

Nag beso naman silang dalawa sakin at lumabas na din sila. Bumalik na din ako sa table ko at tinuon ko na lang ang attention ko sa laptop ko.

Ayaw niyang magparamdam sakin edi wag! Hindi ko din siya tatawagan, humanda ka talaga sakin pag uwi mo Rivero!

"Ma'am excuse me po, may nag hahanap po sa inyo." Sabi ni Kate nung pumasok siya.

"Sino daw?" Seryosong tanong ko.

"Si Shane po ma'am gusto daw niya kayo makausap ng personal." Anya.

"Sige papasukin mo siya Kate."

"Sige po ma'am." Then lumabas na siya.

Muling bumukas ang pinto at pumasok nga si Shane daw, akala ko babae pero bakla pala siya. Well wala namang problema don, actually para nga siyang babae.

"Good morning po, I'm Shane." Tapos ngumiti siya sakin at nag offer siya ng handshake.

Ngumiti din ako sa kanya at inabot ko yung kamay niya. "Good morning din, sige maupo ka. I'm Akisha Jade Arquiza the owner of this hotel. By the way gusto mo daw akong makausap ng personal?"

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now