Chapter 17

586 8 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Wow mommy ang ganda." Ako.

"Oo nga Tita tsaka ang ganda pa ng view dito." Samantha.

"Fresh air din Tita." Brent.

Amaze na amaze kaming tatlo sa ganda ng batangas. Nag outing kaming apat gaya nga ng sabi ni mommy noon na gusto niyang makapag unwind at makapag relax si Brent. Three days and two nights kami dito sa batangas, friday ngayon walang pasok kasi may event sa school hindi naman kami kasali doon kaya ngayon na lang kami umalis ni mommy. Sa sunday pa naman kami uuwi kaya medyo magtatagal kami dito.

Tatlong linggo na din mag mula ng nalibing si Tita Val kaya kahit papano nagiging masigla na ulit si brent. Hindi na talaga si mom babalik sa states she'll be staying here for good na daw. Masaya naman ako na hindi na siya babalik dahil at least magkakasama na ulit kami. Hindi man ako lumaki kasama siya, siya naman ang gusto kung makasama hanggang sa tumanda ako.

Tatlong linggo na din ang lumipas mag mula ng umiyak ako sa harap ng mga kaklase ko, hindi lang sa harap nila dahil nakita din ni Ricci yun kaya tinakpan ko na lang yung mata niya. Sa loob ng ilang linggo na nagdaan masasabi kung okay na okay na nga kami ni Ricci. Sinabi niya na sakin lahat about kay Roxanne and hindi ko inaasahan na ganun pala ang plano ni Roxanne sa kanya.

Masasabi ko ding bumalik na nga ang dating Ricci na minahal ko, well mas naging sweet nga lang siya ngayon. Yung tipong walang araw na lilipas na hindi ka kikiligin sa kanya. Tsaka nagiging possessive na din po siya. Umabot na nga sa point na ayaw niyang nakikipag usap ako kay Juan tapos tatanungin ko siya kung bakit ang sasabihin niya lang, 'Ayokong agawin ka niya sakin, may lihim na pagtingin pa naman sayo yan.' Pero syempre hindi ako naniniwala sa kanya kasi sabi nga ni Juan sakin parang kapatid na daw ang turing niya sakin, the feeling is mutual parang kuya ko na nga yun or maybe sa kanya ko lang nakikita ang kagustuhan kung magkaroon ng kuya.

Sa tuwing kasama ko si Ricci walang araw na lumilipas na hindi ako na gu-guilty. Ilang beses ko ng sinabi na gusto ko sabihin sa kanya ang reason kung bakit ako umalis noon but he keeps on refusing it tapos sasabihin niya lang na hayaan na lang daw kasi tapos na yun. Na gu-guilty ako kasi sobrang honest at loyal niya sakin pero ako hindi ko man lang masabi sa kanya ang lahat. I know that he deserve to know everything pero hindi ko lang yun masasabi sa kanya kung hindi ako magsisimula sa umpisa. Ayaw niya namang makinig kasi past na daw yun ang mahalaga daw sa kanya is ang ngayon and the future.

"Kaya nga dito ko kayo dinala kasi gusto kung ma relaxed kayo, especially si brent." Nakangiting sabi ni mommy.

"Thank you po Tita." Ngumiti din pabalik si brent kay mommy.

"How many times do I have to tell you na mommy na ang itawag mo sakin." Kunwaring nagtatampo na sabi ni mommy.

"Oo nga brent mom na lang kung ayaw mo ng mommy." Ngumisi si Samantha sa kanya.

"Nahihiya po kasi ako."

"Seriously bro?" Tumawa ako sa kanya.

"Kapatid ako ng mommy mo anak and kapatid din ako ng mama mo, maybe not in blood but we are sisters in heart." Ngumiti si mommy sa kanya.

Yes hindi po talaga totoong magkapatid si Tita Val at mommy. Ganito kasi yan, Si Tita Valerie adopted siya ng lolo at lola ko kasi nga hindi daw sila magkakaanak sabi ng doctor. But then after a year nabuntis si lola and that's my mom and after three years nabuntis ulit si lola and that's Tita Danica. Si mommy at si Tita Danica ang totoong mag kapatid. Pero yung treatment nila kay Tita Valerie parang totoong kapatid nila. Actually sobrang close nga nilang tatlo yung tipong natutulog sila sa iisang kwarto lang kasi ayaw nilang mag kahiwalay. Mayaman ang lolo at lola ko and ang dami nilang mga business kaya madalas wala sila noon kaya ayon parang naging sandalan na nilang tatlo ang isa't isa. Dito talaga sila lumaki and lumipat lang daw sila sa states noon ng may nangyari. Ayokong munang sabihin kung ano yun kasi kahit ako hindi ko matanggap yun. Let's say na yun yung biggest downfall ng pamilya nila ni mommy.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now