Chapter 14

641 10 0
                                    

*Ricci POV*

Hindi ko na nahatid si Akisha sa bahay nila kasi nag pumilit na siyang wag ko na daw siya ihatid tsaka mag training na lang daw ako. Ito yung isa sa mga pinagtatalunan namin noon. Yung gustong gusto ko siyang mas makasama ng matagal kisa pumunta sa mga training ko, kaso nagagalit siya kasi nawawalan na daw ako ng time sa training kasi sa kanya ko na lang daw tinutuon lahat ng attention ko. Well I can say na totoo yun ewan ko ba mas gusto ko kasing makasama siya kisa mag training.

Kahit nung kami ni Roxanne ganyan din ako pero hindi naman umabot sa point na araw araw akong late sa training. Dati kasi late ako lagi kasi hinahatid ko pa si Akisha. Pero hindi ko talaga naiisip na aabot ako sa puntong nagawa kung talikuran ang paglalaro para sa kanya, and that was the biggest mistake I've ever done.

"Bro? Nakita mo na ba?" Bungad agad sakin ni Kobe pag dating ko sa gym.

"Ang alin?" Kunot noong tanong ko.

"I guess hindi niya pa nakita bro." Tinapik ni Diego ang balikat ni Kobe. "Sorry pre kung kami ang unang nakakita nito." May inabot naman siya saking brown envelop.

"Pero bago mo buksan yan dude gusto ko lang malaman mo na hindi namin binuksan yan. Nung dumating kasi kami dito nagulat na lang kaming nakakalat na yan dito." Seryosong sabi ni Javi.

"Tama si Javi bro, and kung ano man ang makita mo diyan nandito lang kami." Seryosong sabi ni Juan.

Tinignan ko muna ang brown envelop na hawak ko tsaka tumingin sa kanila. Nakita ko yung mga mata nilang seryoso. Hindi ko alam kung anong laman nito bakit ganyan ang mga mukha nila.

O_O - Mukha ko nung nakita ko na kung ano yung laman nito.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon sa nakita ko. Nasaktan, nandidiri, nahihiya at higit sa lahat nagagalit.

Nasasaktan kasi pakiramdam ko pinaglaruan lang ako. Ako namang si tanga hindi naniwala sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko noon. Mas pinili kung ipagtanggol ang babaeng hindi naman pala dapat pinagtatanggol.

Nandidiri ako sa sarili ko kasi pumatol ako sa babaeng kagaya niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin bakit nagawa ko siyang mahalin. Siguro nakulam ako kaya nabulag ako sa kanya. Nandidiri ako sa sarili ko sobra!

Nahihiya ako na humarap sa mga tao lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Akala ko yung mga sinasabi nila noon sakin hindi totoo yun akala ko ginagawa lang nila yun dahil ayaw nilang talikuran ko ang basketball. Nahihiya ako sa kanila kasi hindi ko nagawang maniwala sa kanila, mas matagal ko silang naging kaibigan pero ni minsan hindi ko nagawang makinig sa kanila.


Nagagalit ako sa sarili ko at sa kanya. Nagagalit ako sa sarili ko kasi hinayaan ko siyang paglaruan ako. Hinayaan ko siyang lokohin ako at pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya. Nagagalit ako sa kanya kasi niloko niya ako, nagagalit ako sa kanya kasi nagsinungaling siya at sinira niya ako.


Hindi ko magawang tumingin ng matagal sa mga larawan na hawak ko ngayon. Hindi ko aakalain na ganito pala ang totoong Roxanne. Yung Roxanne na kahit sinong lalaki pinapatulan, Roxanne na iba't ibang lalaki ang inuuwi gabi-gabi. Yung Roxanne na akala ko angel pero halimaw pala sa kama! Yung Roxanne na halos sambahin ko na noon demonyo pala!

Ang mga larawan na hawak ko ngayon ay nagpapakita kung sino talaga si Roxanne. May mga litrato dito na may kasama siyang lalaki papasok sa isang motel hindi lang isang litrato dahil marami ito at iba't ibang lalaki ang na sa litrato. May mga pictures din na nasa bar siya nakikipag halikan sa kahit kaninong lalaki. May iba ding nakuha na nasa stage siya at parang sumasayaw siya at ang damit niyang parang isang hila na lang mahuhubaran na siya. Pero may isang litrato dito kung saan mas natulala ako. Siya at ang isang foreigner na nakahiga sa isang kama at parehong walang damit.


Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now