Chapter 58

428 11 1
                                    

*Akisha Jade POV*

Dalawang linggo na ang lumipas mag mula ng ma engage kami ni Ricci. Hanggang ngayon parang nag po-process pa lang sakin ang lahat ng mga nangyari. Ricci is really full of surprises and hindi basta ang mga surpresa niya, he will make sure na mapapawow ka talaga sa ginawa niya.

Sa loob ng dalawang linggong dito ako natulog sa bahay namin, ayaw niya kasing matulog ako sa condo niya and hindi ko alam kong bakit ayaw niyang doon ako matulog. So ayon nasanay ako na boses palagi ni Juan ang gimugising sakin at sasabihing, 'Madam may bulaklak nanamang pinadeliver ang fiancé mo'. Yes sa loob ng dalawang linggong nandito ako araw araw siyang nag papadala ng isang dosenang pulang rosas.

Pero kahit na araw araw niyang ginagawa yun, naiinis ako sa kanya kasi parang nawawalan na siya ng time sakin. After the engagement party sabi niya sakin next month na daw namin ipaplano ang kasal namin dahil magiging busy daw siya sa business niya. One week daw kasi niyang hindi na asikaso ang mga negosyo niya, dahil nga daw busy siya para sa wedding proposal niya sakin.

Two weeks na din siyang parang hindi nag paparamdam sakin, ganun ba siya ka busy sa trabaho niya at nakakalimutan niya na akong bigyan ng time? Naiintindihan ko naman siya pero naiinis talaga ako sa kanya dahil hindi ko na siya masyadong nakakasama. Pag magkasama naman kami busy siya sa cellphone niya, tapos lagi pa siyang may katawagan. Kung hindi niya lang sinabi sakin na next month na namin ipaplano ang kasal namin, baka isipin kong surprise nanaman ang ginagawa niya sakin.

"Ma'am sorry po kung kailangan kong umalis sa trabaho ko, kailangan ko lang po kasing pumunta sa probinsya namin. Hindi ko na po kasi kaya ang panloloko sakin ng lalaking yun." Nakayukong sabi ng isang empleyado ko.

"Cas okay lang sakin yun naiintindihan naman kita, tsaka tama lang din ang decision mong bumalik sa probinsya niyo. Umuwi ka muna sa pamilya mo, sila lang ang makakatulong sayo ngayon. Ibibigay ko na ang huling sahod mo at dadagdagan ko na lang din yun, tsaka ako na din bahala sa pamasahe mo pauwi. Isa ka sa mga masipag kong empleyado kaya gusto kong tulungan ka." Tapos inabot ko sa kanya ang pera niya.

Naaawa ako sa kanya kasi may boyfriend siya tapos sinabi ng boyfriend niya na magpakasal na daw sila. So ayon syempre pumayag siya dahil mahal niya naman daw ang lalaki, so ayon sabi ng lalaki kailangan nilang mag ipon. So yung sahod ni Cassy napupunta lahat sa ipon niya. Tapos hindi niya naman pala alam na yung malaking pera na naipon nila ay itatakbo ng mapapangasawa niya. Tapos ang mas masakit pa hindi naman siya mahal ng lalaki, pero may mas masakit pa don. Yun ay ang ikakasal na ang lalaki, pero sa ibang babae.

"Salamat po talaga ma'am, sobrang bait niyo po. Swerte po ako dahil kayo ang naging boss ko. Wag kayong mag alala ma'am dahil kung sakali mang magtatrabaho ulit ako, dito po ako pupunta sa inyo." Tapos ngumiti siya sakin.

"Walang anuman Cas, bukas ang hotel ko para tanggapin kang muli sa iyong pagbabalik. Kalimutan mo na ang lalaking yun Cas, hindi siya ang lalaking para sayo. Just wait dahil darating din ang lalaking mamahalin ka din gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Sige na mag iingat ka sa pag byahe mo pauwi, hihintayin ko ang pagbabalik mo Cassy." Tapos ngumiti ako at tumayo ako para yakapin siya.

"Salamat po talaga ma'am, Godbless you po. Sige po aalis na po ako." Tapos kumalas na siya sa pagkakayakap niya sakin at lumabas na nga siya ng opisina ko.

Grabe talaga ang ginawa sa kanya ng lalaking yun, after ng mga ginawa ni Cassy para sa kanya nagawa niya pa ding lokohin si Cassy. Bigla ko tuloy naalala si Ricci, dalawang araw ko na siyang hindi nakikita at dalawang linggo na din siyang parang nawawalan ng time sakin. Alam ko naman na hindi magagawa sakin ni Ricci yun, pero natatakot ako dahil papaano pag nangyari sakin yun?

Pupunta ako ngayon sa condo niya at pag wala pa din siya doon pupunta ako sa bahay nila. Then pag wala ulit siya, pupuntahan ko lahat ng mga negosyo niya. Humanda ka sakin Rivero! Hindi ko na kayang hindi kita nakikita sa loob ng ilang araw!

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now