Chapter 27

415 6 0
                                    

*Ricci POV*

Hindi ko talaga alam na magagalit si Akisha sakin dahil sa ginawa ko kanina sa world of fun. Ayokong maging rude sa cashier kanina and she says na she's my fan, so I approach her in a nice way dahil kahit papano sinuportahan niya ako all thru out my career, for showing his care for me eventhough hindi ko siya kilala still she chose na hangaan ako.

Nagulat ako kasi bigla siyang umalis kanina pero mas nagulat ako ng sabihin niya kaninang boyfriend niya daw si Brent. Nung narinig ko yun kanina parang kumulo yung dugo ko sa sinabi niya sakin. Sinundan ko siya mula world of fun hanggang dito sa rest room pero hanggang ngayon hindi pa din siya lumalabas.

"Miss payagan niyo na po akong pumasok, kanina pa yung asawa ko don sa loob at hanggang ngayon hindi pa din siya lumalabas. Pag may nangyaring masama sa asawa at anak ko ikaw ang sisisihin ko." Seryosong sabi ko.

Ang dami ko ng mga palusot na sinabi para lang makapasok ako sa luob. And sana this time pumayag na siya.

"Sige po saglit ka lang mister dahil hindi ka talaga pwedeng pumasok dito." Seryoso pa din yung mukha niya.

Hinawakan niya na yung doorknob at akmang bubuksan niya na ito ng biglang bumukas ito at niluwa ng pintong ito ang babaeng mahal ko.

"Mahal kaus---"

"Don't talk to me @sshole! Don't you dare to follow me dahil hindi ko alam ang gagawin ko sayo!" Tumalikod na siya at akmang aalis ng magsalita ako.

"Look, mahal kung ano man ang nangyari kanina sorrh hin---" Hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"It's not about that Ricci! Be a man at ayusin mo ang gulo mo..." Napatigil saglit siya at tumingin sa likod ko. "You talk to that girl behind you! I'm warning you Ricci dont.you.dare.follow me.or else..." Tumalikod na siya sakin. "Or else you'll lost me, again."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko nung narinig ko yung sinabi niya. God know kung gaano ko siya gustong sundan ngayon, but I can't afford to lost her again.

Napalingon ako sa likod ko para tignan kung sino ang tinutukoy niyang babae. At saking pag lingon parang ito na yata ang pinaka pinagsisihan kong ginawa ko sa buong buhay ko. Napako ang tingin ko sa tiyan ni Roxanne.

"Babe." Ngumiti siya at lumapit siya sakin.

"Don't you dare come closer to me!" Sigaw ko.

"Babe bakit ba ayaw mo na sakin? Can't you see I'm pregnant and your the father of this child inside my womb." Akmang yayakapin niya na ako ng ilayo ko yung sarili ko sa kanya.

Tinignan ko siya at never ko na feel ang sinasabi nilang lukso ng dugo, dahil walang kahit isang kasiyahan na may naramdaman ang puso ko ng ma patingin ako sa tiyan niya.

"Hindi ako ang ama ng batang yan." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa tiyan niyang medyo lumalaki na.

"Okay lang sakin na itaboy mo ako, pero ang hindi pag tanggap sa anak natin ang hindi ko gustong gawin mo! Ikaw ang ama nito at wala ng iba pa!" Tumataas na din yung boses niya.

Luckily wala masyadong tao dito ako, si roxanne yung mama niya at yung nag babantay ng rest room lang ang nandito.

"Hindi ko yan matatanggap dahil alam ko sa isip at puso ko na hindi ko talaga anak yan! Bakit mo ba pinapaako sakin ang anak mo sa ibang lalaki?" Pilit siyang lumalapit sakin at pilit din akong lumalayo sa kanya.

"Anak mo to cci! Sa ayaw at gusto mo tatanggapin mo ang anak natin at mag papakasal tayo!" Seryosong sabi niya.

"Hindi, hindi ako mag papakasal sa isang kagaya mo! Hindi ko tatanggapin yang batang yan dahil hindi naman sakin yan! Alam kong walang may nangyari satin Roxanne, kahit isang beses hindi kita nagalaw! Alam kung alam mo din yan!"

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon