Chapter 44

455 6 0
                                    

*Ricci POV*

*FIVE YEARS LATER*

"Son kailan ka ba uuwi sa bahay natin? Namimiss ka na ng mga kapatid mo, namimiss ka na din namin ng daddy mo."

"Mom isang buwan pa lang akong hindi nakakauwi sa bahay natin kung makapagsalita ka akala mo ilang taon akong hindi umuwi." Nakangiting sabi ko kay mommy.

"Basta matagal na din mula ng huling beses kang umuwi dito. Sige na anak umuwi ka naman dito sa bahay. Hindi ko na nakikita ang sahia ko." Bakas ang kalungkutan sa boses ni mommy.

"Sige mom susubukan kung umuwi diyan, pero hindi ngayon. Kakatapos lang din kasi ng game namin kahapon, tapos sabi ni coach yeng mamayang gabi na daw ang celebration. Tapos dadalawin ko pa yung mga branch ng bar at restau ngayong umaga tapos yung gym pupuntahan ko pa."

"Okay son, basta promise mo this week makakauwi ka na sa bahay. By the way congrats sahia dahil napanalo niyo ang pilipinas. Grabe hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kasali ka na sa gilas pilipinas. You are right son kailangan mo din puntahan ang mga business mo, hindi yung puro basketball ka na lang." nangiti ako sa sinabi ni mommy.

"Okay mom uuwi ako within this week, promise. Syempre mom dapat champion ang pilipinas, sa dami ba naman ng mga magagaling na players ng bansa natin ngayon. You know mom na pangarap ko ang makapaglaro to represent our country. Ball is life mom, but business provides money and money runs everything." Nakangising sabi ko.

"Asus sige na sahia alam ko magyayabang ka nanaman na ikaw ang pinaka magaling sa lahat ng players. Congrats son I'm so proud of you sahia! Ball is life but money is lifer!" Tumawa pa siya sa kabilang linya.

"Thank you mom, sige na papatayin ko na to medyo marami akong pupuntahan ngayon mom. Mag iingat kayo diyan, I love you and I miss you mom. Pakisabi kay dad at sa lahat ng mga bro's ko diyan na mahal na mahal ko sila at namimiss ko na sila."

"I love you more son, we love you and we missed you so much. Mag iingat ka palagi sahia, always smile son. Sige na alam ko busy ka ngayon."

"Bye mom, I love you." After that pinatay ko na din yung tawag niya.

Time fly so fast! Grabe limang taon na din pala ang nakalipas, parang kailan lang. Sobrang dami na din ng nangyari sa buhay ko sa loob ng limang taon.

Natupad na nga ang pangarap kong makapaglaro sa gilas pilipinas. Sobrang bless ko dahil nabigyan ako ng chance para maging part ng line up. Kahapon yung championship game namin tapos ang kalaban namin is Iran. Hindi din ganun ka dali na manalo sa game kahapon dahil magagaling din naman ang kalaban namin. Pero gaya nga ng sabi ni coach yeng kahapon, deserve namin ang panalo namin kahapon dahil lahat naman kami binigay namin ang best namin at sobrang dami na din naming sinakripisiyo para sa team. Yes pilipinas po ang nag champion and hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kami ang nanalo kahapon. Ang maging part ng line up ay sobrang bless na ako non at ang maging champion ang pilipinas isang malaking karangalan na para saming lahat yun.

Hindi lang din naman puro basketball ang nangyari sakin. Dahil after ko makapagtapos I decided to put up a business and sobrang ganda naman ng kinalabasan ng decision kong iyon. Dahil ngayon meron na akong tatlong Restaurants, tatlong branch na din ang bar na meron ako ngayon, tapos tatlo na din ang fitness gym na napatayo ko. Actually may bagong branch ako ng restaurant pang apat ko na to pero hindi pa siya tapos, maybe next month mag bubukas na din yun. Yung pangalan ng restaurant ko is Love's Restaurant tapos yung bar naman is Aki Bar then yung fitness gym is AkiCci Fitness Gym. Yes nasabi na din sakin ng mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan ko na ang corny daw ng mga pangalan ng mga pinatayo kung negosyo. So what ako naman ang mag gagastos kaya ako din ang masusunod. Yan ang pinili ko dahil siya ang dahilan kung bakit ko pinatayo lahat ng mga yan.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now