Chapter 26

407 7 0
                                    

*Akisha Jade POV*

After three months...

"Love ang tagal mong magbihis!" Sigaw ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa condo niya at nakaupo ako ngayon sa kama niya, siya naman ayon nag bibihis pa din sa banyo niya. "Don't tell me na flush ka na diyan?"

"Sandali lang mahal, kailangan kung maging gwapo sa paningin mo! Five minutes mahal, I love you sobra!" Sigaw niya din. Hindi ko na lang din siya sinagot, kanina pa siya don pero hindi pa din tapos.

Tatlong buwan na din ang lumipas at sa loob ng tatlong buwan na yun sobrang ganda ng takbo ng relasyon namin ni Ricci. Hindi niya pa din alam ang totoo hanggang ngayon tsaka hindi na kasi na open ang issue na yun dahil sobrang okay na namin.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagawa akong isurprise ni ricci sa first monthsary nga namin. Hanga ako sa kanya at sa mga kaibigan niya dahil sobrang ganda ng ginawa nila. I was really amaze and hindi ko inaasahan na idea yun ni Ricci lahat. Yung mga kaibigan niya naman tinulungan lang siya at binigyan niya pa ito ng kanya kanyang gagawin.

Kahapon lang din natapos ang Season 82 and ang nag champion is walang iba kundi ang UP! Battle of katipunan pa din ngayong season 82 pero isa lang ang nagwagi sa huli. Si Ricci pa nga yung naging MVP tapos nasali din siya sa Mythical five. Sobrang proud ako sa kanya at ang dami niyang award na nakuha this year, like yung sa most improve player and yung milo nutri up galing award. Tapos MVP at kasali pa siya sa mythical five o diba daming award ng jowa ko haha!

"Halika na mahal, sorry natagalan ako." Kiniss niya pa ako sa forehead ko at kinuha niya yung bag ko.

Tumayo na din ako at hinawakan niya na ako sa bewang ko. Actually pupunta kasi kami ngayon sa mall gusto lang namin mamasyal. Off season na kaya gusto niyang bumawi sakin, minsan kasi hindi na kami masyado nakakapag usap dahil sa mga trainings niya, pero naiintindihan ko naman siya.

"Para kang babae kumilos love ang bagal. Buti lumabas ka na uuwi na sana ako." Ngumisi pa ako sa kanya.

Hindi na lang siya sumagot at hinalikan niya ako sa labi, mga three seconds lang naman yun pero kinikilig pa din ako.

****

"Miss pabili po kami ng token." Napatingin naman yung cashier sa kanya at parang awtomatiko itong nag spark ng makita niya si Ricci.

Nandito kasi kami ngayon sa world of fun. Everytime na pumupunta kami sa mall hindi pwedeng hindi kami nakakapunta dito.

"OMG! Ikaw nga! Hi Ricci! I'm your number one fan cci, na sa college pa lang ako idol na idol na kita." Nakangiting sabi ng cashier at nag papacute pa siya kay Ricci.

Tinignan ko naman si Ricci at ngumiti pa siya sa cashier.

"Omaygod! Ngumiti ka! Uhmm can I have a picture with you?" Tuwang tuwa na sabi ng babae.

Ngumiti ulit siya sa babae at tumango. "Sure ba."

Sa totoo lang hindi naman ako galit, naiinis lang ako kasi hindi man lang niya ako nagawang tignan mag mula ng ngumiti sa kanya ang babae.

Lumabas ang babae at lumapit ito sa kanya. Agad agad siyang niyakap ng babae at hindi man lang nag sorry ang babae sakin ng mabangga niya ako. Hangin lang ba ako para sa kanya? Kung banggain ako akala mo hindi ako nag eexist dito.

"I love you so much Ricci! Hindi ko inaasahan na makikita kita ng ganito ka lapit. By the way congrats pala dahil kayo ang nag champion this season, actually nanuod ako sa araneta ng game niyo kahapon sobrang galing mo!" Ang lapad ng ngiti ng babae habang sinasabi niya yun at hanggang ngayon nakayakap pa din siya kay Ricci. Ito namang lalaking to hindi na inalis ang yakap ng babae. Gustong gusto niya naman na niyayakap siya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now