Chapter 32

447 7 1
                                    

*Ricci POV*

"Anong ginagawa mo love? Don't tell me umiiyak ka? Sh!t nagiging bading ka na love!" Naramdaman ko yung mga braso niyang niyakap ako pabalik.

Natigilan ako sa sinabi niya at aalisin ko sana yung kamay niya para harapin siya ng bigla niya akong pinalo sa likod.

"Five minutes love, na miss kita sobra." Seryosong sabi niya.

"Mahal ak---"

"Isang salita pa Rivero iiwan talaga kita dito." Cold niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita at niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Namimiss ko siya sobra, yung isang linggong hindi ko siya nakita parang limang taon ulit siyang nawala sakin.

After few minutes kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tumayo siya sa harap ko. "Ang awkward ng sitwasyon natin love." Napangiti siya after sabihin yun.

"Are we alright now mahal?" Hinawakan ko yung kamay niya at itinaas ko yung tingin ko para matignan ko siya sa mga mata niya.

"What do you mean?" Nakangisi pa niyang sabi.

"What I mean is, hindi ka na ba galit sakin? Napatawad mo na ba ako mahal? Look, I'm really sorry mahal sa nangyari ang tanga ko dahil nasaktan ko nanaman ang babaeng mahal ko." Pinaikot ko yung braso ko sa bewang niya.

"Masabi nga mamaya kay Juan na pwede na akong mag artista." Ngumisi siya sakin at hinawakan niya ako sa mukha ko.

"What th---"

"Hep! Tapos ka ng magsalita, now listen dahil ako naman ang magsasalita. Don't you dare na magsalita dahil aalis talaga ako pag nagsalita ka." Seryosong sabi niya habang nakatingin sakin.

Hindi na lang ako nagsalita baka umalis pa to kakaiba pa naman to, pag sinabi niya gagawin niya talaga yon.

"I'm sorry love dahil hindi kita binigyan ng chance na mag explain nung araw na sinabi sakin ni Roxanne na ikaw ang ama ng bata. Alam ko love na mali ako dahil hindi muna kita kinausap at hinayaan kong mangibabaw ang galit kisa ang alamin ang totoo mula sayo. I'm sorry love dahil mas pinili kong maniwala sa kanya. I'm sorry love dahil hinayaan ko siyang paniwalain ako sa mga kasinungalingan niya..."

"Tama silang lahat, dapat kinausap muna kita bago ako nagalit sayo love. Tama sila love na sana hindi agad ako naniwala sa kanya dahil hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya sakin. Tama sila love na mas pinairal ko ang galit kisa ang pakinggan ka..."

"Mahal na mahal kita love pero hindi ko man lang pinili na alamin ang totoo sayo. May tiwala ako sayong hindi mo yun magagawa love, pero hindi mo maalis sakin na isipin na baka ikaw nga ang bata non love. Nung sinabi niya saking anak mo yun alam mo ba kung anong unang naisip ko love?"

Tumigil muna siya sakin at niyakap niya ako. Naramdaman ko yung paghaplos niya sa buhok ko.

"Naisip ko agad na hindi ikaw ang ama ng bata dahil alam ko hindi mo naman yun basta basta na gagawin sa kanya. Yes sinabi niya saking ilang beses niyong ginawa ang bagay na yon ng hindi gumagamit ng proteksyon. Sinisigaw ng puso ko na hindi totoo ang mga sinasabi niya sakin that time. Pero sinisigaw ng isip ko na papano pag tama ang sinasabi niya sakin? Hindi ko alam kong anong paniniwalaan ko that time love, gulong gulo ako nung mga oras na yun..."

"May mga tao akong kinausap at sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari and you know, pareho lang sila ng sinabi sakin love. Dapat daw kinausap muna kita bago ako nagalit sayo kasi ang unfair daw na naniwala ako kay Roxanne pero ikaw na mahal ko at matagal ko ng nakilala, hindi ko man lang ginawang pakinggan ang side mo. Kaya na realized ko love, they are right dapat kinausap muna kita before ako nagalit sayo..."

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now