Chapter 28

371 6 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Pagkatapos kong umiyak sa harap nila ni Juan umuwi nako sa bahay dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Ihahatid pa sana nila ako ni Kobe kaso hindi na ako pumayag sinabi ko na lang na puntahan nila si Ricci sa condo nito.

Pag pasok ko sa bahay walang tao kaya nandito ako ngayon sa kwarto ko umiiyak habang kayakap ang unan ko. Na sa trabaho pa si mommy and for sure nag date nanaman si Brent at Samantha.

Mula kanina sa mall hanggang dito sa bahay iyak lang ako ng iyak, hindi nga ata nauubos ang mga luha ko sa mata. Kanina pa ako dito sa kwarto umiiyak pero hindi pa din tumitigil ang mga luha ko sa pag agos. Hindi ko alam kung ano ang mas uunahin kung isipin, yung fact ba na nabuntis ni Ricci si Roxanne o yung sinabi niyang kapatid niya ako? Never ko na isip na kapatid ko pala siya, pero papano ko siya naging kapatid? Don't tell me isa ang nanay niya sa mga naikama ng ama ko noon? Pero hindi eh dahil mas matanda siya sakin ng isang taon.

Hindi ko alam kung sino ang makakasagot sa mga tanong ko. Ang nanay ko ba o ang tatay ko? ANG GULO! Kakausapin ko na lang mamaya si mommy.

Pero hindi ako naniniwala na si Ricci ang ama ng batang dinadala niya. Alam ko malaki ang respeto ni Ricci sa mga babae at mapapatunayan ko yun. Nasabi na ni Ricci sakin kung sino talaga si Roxanne at kung ano ang mga gingawa nito, kaya hindi nako magugulat kung hindi niya kilala ang tatay ng anak niya.

"Sweetie are you there?" Narinig ko yung boses ni mommy at binuksan niya yung pinto, pero nilock ko yun kaya hindi niya nabuksan.

Tumayo ako at inayos ko muna yung sarili ko, nag inhale exhale din ako para kumalma ako. Binuksan ko na yung pinto at tumalikod agad ako kay mommy para hindi niya ako makita.

"Akala ko ba sweetie may date kayo ni Ricci? By the way tumawag sakin yung papa mo kanina, pupunta daw tayo ng states sa birthday niya sa makalawa dahil kasabay daw non ang opening ng bagong branch ng business niya." Umupo si mommy sa kama ko at naglakad ako papuntang cr.

"Okay po mom, sige maliligo muna ako mom." Alam ko halata sa boses ko na kagagaling ko lang sa pagiyak kaya ayon na lang sinabi ko kay mommy.

"Bukas ang alis natin sweetie at sasama si Brent at Samantha satin. Na miss din ng papa mo si Brent."

"Okay mom." Yun na lang ang nasabi ko at akmang bubuksan ko na yung pinto ng magsalita si mommy.

"What's wrong sweetie?" Lumapit siya sakin at hinawakan niya yung braso ko.

"No mom, I'm okay. Maliligo na muna ako." Papasok na sana ako ng iharap ako ni mommy sa kanya at niyakap ako.

"Im your mom and I know na may dinadala ka ngayon, now tell me sweetie what's bothering you?"

After sabihin ni mommy yun awtomatiko akong napayakap sa kanya at doon ko na nilabas ulit ang nga luha ko.

"I'm your mom sweetie and you can tell me everything, just cry and we'll talk after that." Hinaplos niya pa yung likod ko.

Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya habang kayakap ko siya. Hindi muna si mommy nag tanong at hinayaan niya muna akong mailabas ko yung sakit na nararamdaman ko.

After a few minutes nabawasan na din yung nararamdaman ko at kinausap ko na siya.

"Mom ang sakit sakit, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang mga nalaman ko ngayong araw." Dinala ako ni mommy para umupo sa kama ko.

"Sige sabihin mo sakin kung anong problema mo sweetie." Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan ako sa mga mata ko.

"Dalawa ang nalaman ko ngayong araw mom, but I'll tell you first ang unang nalaman ko." Tumigil muna ako at pinunasan ko yung luha sa mata ko.

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon