Chapter 22

531 9 0
                                    

*Ricci POV*

Umalis na nga yung mga kaibigan ko, dalawa na lang kami dito sa condo ko.

"Mahal?" Umupo ako sa tabi niya. Pinulupot ko yung nga kamay ko sa bewang niya at pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. "Na miss kita mahal."

"Tumigil ka Rivero!" Sinubukan niyang alisin ang kamay ko pero mas hinigpitan ko pa ito.

"Nilalambing lang naman kita mahal, bakit ba palagi mong sinusubukan na kumawala sakin." Kunwari nag tatampo ako sa kanya.

"Asus Rivero tumigil ka! Alam ko na yang mga ganyan mo." Ngumisi pa siya sakin.

Wala naman akong ibang binabalak sa kanya, naglalambing lang naman ako kasi dalawang araw ko siyang hindi nakita.

"Teka akala ko ba mahal ngayong gabi pa ang uwi niyo?" Iniba ko na lang ang usapan.

"May emergency kasi love kaya ayon napaaga ang uwi namin kagabi. Hindi na kita na text kasi nakatulog na agad ako."

"Okay lang yun mahal ang mahalaga nandito ka na ulit." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Love may problema ako." Naging seryoso bigla ang mukha niya.

"Ano yun mahal?" Naging seryoso din bigla ang boses ko.

May problema na pala ang mahal ko pero wala man lang akong alam don. Hinawakan ko yung kamay niya dahil naging seryoso yung mukha niya.

"Ano kasi love, diba may game kayo bukas love?" Tinignan niya ako sa mata. "Kasi hindi yata ako makakapunta love." Seryosong sabi niya.

Hindi siya pupunta? Hindi pwedeng wala siya bukas.

"Bakit naman mahal?"

"Kasi hindi ako nakabili ng ticket love kaya hindi ako makakanood."

Napatawa naman ako sa sinabi niya sakin. Hinila ko siya papalapit sakin at niyakap ko siya.

"Akala ko kung ano na ang problema mo mahal. Wag kang mag alala hindi mo na kailangan na bumili ng ticket kasi sasama ka sakin." Kiniss ko siya sa forehead niya.

"Sasama sayo?"Kunot noo niyang tanong.

"Oo sasama ka sakin. Ayokong malayo ka sakin gusto ko malapit ka lang para pag napagod ako yayakapin lang kita ayos na agad ako. Pag na sa dugout ako nandon ka din tapos pag game na namin doon ka din uupo sa bench ng mga player."

"Bawal ako don love." Seryosong sabi niya.

"Teka sinong nagsabi na bawal doon ang girlfriend ko?" Seryosong sabi ko.

"Ako, alam mo namang ako ang nagsasabi sayo nito tapos tatanong mo pa?" Ngumisi siya sakin.

Kinurot ko siya sa pisngi niya at kiniss ko siya sa lips. "Kaya mahal na mahal kita eh. Bukas sasama ka sakin at yung isang jersey ko yun yung susuutin mo bukas mahal."

"Ayoko nga love, kulay white na t-shirt lang ang susuutin ko bukas." Tumayo na siya at pumunta siya sa kwarto ko.

"Sa ayaw at gusto mo jersey ko yung gagamitin mo bukas, kung ayaw mo edi hindi na lang din ako maglalaro." Tumayo na din ako at sinundan ko siya sa kwarto.

"Kukunin ko na nga yung jersey mo diba? Loko ka talaga love." Ngumisi siya tsaka binuksan niya yung closet ko.

"Hindi mo naman sinabi mahal na gusto mo na palang mag pa massage sakin." Hinila ko siya paupo sa kama at yinapos ko yung braso ko sa bewang niya.

"Hoy Rivero papatayin talaga kita!" Sigaw niya.

Napangisi naman ako sa sinabi niya, mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now