Chapter 20

551 9 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Nagkita din ulit tayo."

Para akong bato na nanigas nung narinig ko yung boses niya. Teka don't tell me?

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"I miss you, baby." Yun lang ang sinabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ako nakagalaw ng yakapin niya ako. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito ako? Alam ba ni Brent, Samantha at mommy na nandito siya?

"I hate you too." Cold kung sabi. Sinubukan kung alisin yung mga kamay niyang nakayakap sakin. Lalaki siya at alam kung hindi sapat ang lakas ko para maalis ko yung kamay niya pero hindi ako sumuko.

"After one month nagkita din tayo baby, just like what I've said gusto kung bumalik ka na sakin." Hindi niya pa din inaalis ang pagkakayakap niya sakin.

"Bitawan mo ako Luis!" Tumaas na yung boses ko. Bumalik nanaman ang galit ko. Nung araw na pinag usapan siya namin ni Brent inaamin ko kahit papano nabawasan ang galit ko sa kanya. Pero ngayong nakita ko nanaman siya bumalik nanaman ang galit ko.

"Hanggang ngayon hindi mo pa din ako napapatawad. Ano pa ba ang dapat kung gawin baby para mapatawad mo ako?" Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at tinignan ako sa mga mata ko.

"All you have to do is to stay away from me! That's all I want."

"Kung alam mo lang kung ano ang ginawa ko sa loob ng isang buwan para mapasaya ka ulit baby." Hinaplos niya yung mukha ko at tinabig ko naman yung kamay niya.

"Wag na wag mo akong hahawakan nandidiri ako sayo! Wala akong pakialam kung ano man ginawa mo ngayon dahil simula ng iwan kita yun din yung araw na kinalimutan na kita." Tatalikod na sana ako sa kanya para lumabas ng higitan niya ang kamay ko papalapit sa kanya.

"Hindi ko naisip na ganito na ka tindi ang galit mo sakin baby, umabot ka na sa point na wala ka ng pakialam sakin at sa mga sasabihin mo sakin hindi mo na naiisip kung masasaktan ba ako sa mga sasabihin mo." Binitawan niya yung kamay ko. "Ikaw na lang ang meron ako ngayon baby, your my life and my everything. Ang sakit kasi para sayo isa na lang akong bangungot sa nakaraan mo."

Nakita ko siyang pinunasan niya yung mga mata niya, don't tell me umiiyak siya? Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Baby I'm sorry sa lahat ng nagawa ko noon. Paulit ulit kung sasabihin sayo na pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sayo noon. Napakalaki kung g@go para saktan ka noon. Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sayo Akisha Jade, kung kinakailangan kung sundan ka araw araw para masigurado kung ligtas ka gagawin ko. Sana hindi pa sarado ang puso mo para sakin. Sana mapatawad mo pa ako baby, I know hindi madali para sayo na patawarin ako pero hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sayo, baby."

Lumuluhod siya sakin ngayon habang sinasabi niya yun at may mga luhang lumalabas sa mga mata niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak sa harap ko.

"Tumayo ka diyan." Cold kung sabi.

"Sincere ako sa pag hingi ko ng tawad sayo baby sana nararamdaman mo yun." Hindi pa din siya tumatayo ngayon.

"I said tumayo ka diyan!" Hindi ko na naiwasan na tumaas ang boses ko sa kanya.

Tumayo siya at niyakap niya ako. "Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para mapatawad mo ako baby and I'm willing to wait kung kailan dadating ang araw na yun, sana lang dumating pa ang araw na yun baby. Pumunta ako dito kasi gusto kitang makita at gusto sana kitang makausap, pero parang wala yata sa timing ang punta ko dito. Sorry kung nasira ko ang araw mo baby girl, but I promise hindi pa ito ang huling araw na magkikita tayo. Palagi lang akong nakatingin sayo kaso hindi mo naman ako nakikita palagi." Kiniss niya ako sa forehead ko. "Mag iingat ka palagi baby girl, hindi ko na kakayanin mabuhay kung pati ikaw mawala." After niya sabihin yun lumabas na siya ng room na ito.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now