Chapter 41

408 8 0
                                    

*Ricci POV*

Tatlong araw nang hindi pumapasok si Akisha. Tatlong araw na din mag mula nung sinaktan ko siya. Isa akong g@g* para saktan siya ng ganun. Hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ba ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya.

Nung araw na nakita ko siyang nasugatan at umiyak parang nawala ang pagkalasing ko at parang nagising ako sa isang bangungot. Sobrang napakag@g* ko para saktan siya. Nung umalis siya parang doon lang ako natauhan kung anong kahayupan ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam na nasaktan ko nanaman siya dahil sa galit.

Gustong gusto ko siyang makausap, gusto kong mag sorry sa mga nagawa ko sa kanya. Wala na akong pakialam kahit na niloko niya pa ako, all that matters to me now is sana mapatawad niya pa ako sa mga ginawa ko.

Para na akong sasabog ngayon! Hindi ko alam kong anong uunahin ko, sobrang daming ginagawa tapos ang dami ko pang iniisip. Ang malala pa hindi ko makita si Akisha ngayon. Pumunta ako don sa bahay nila pero patay yung ilaw at walang tao doon. Pumunta din ako sa bahay nila ni Brent pero hindi ko naman naaabutan si Akisha doon, kahit si Brent hindi ko din nakikitang umuuwi.

Sunod sunod na exams na ang mga kinuha namin pero si Akisha hindi pa din pumapasok. Hindi ko alam kong saan ko siya hahanapin ngayon. Tapos hindi din siya kumuha ng mga exams namin.

"Ricci ito na yung flashdrive mo." Seryosong abot ni Samantha sakin at tumalikod na siya.

Pero bago pa siya makaalis hinawakan ko yung kamay niya at iniharap ko siya sakin. Nandito kami ngayon sa class room at wala pa yung prof namin.

"Sam sabihin mo na sakin kung nasaan si Akisha." Tinignan ko siya sa mga mata niya at umiwas lang siya ng tingin sakin.

"Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na hindi ko sasabihin sayo kung nasaan si Jade? Tigilan mo na ako Ricci dahil wala kang makukuha sakin!" Tapos kinalas niya yung kamay niya na hawak ko.

"Please Sam sabihin mo na sakin, gusto ko lang siyang makausap." Halos magmakaawa na ako sa kanya.

Tatlong araw ko na din to kinukulit na sabihin niya sakin kung nasaan si Akisha pero ayaw niya talagang sabihin. Sinundan ko na nga siya pero mautak din talaga siya at hindi niya pinuntahan si Akisha at nagkulong lang talaga siya sa bahay nila ng tita niya.

"Wow, so you want to know kung nasaan talaga si Jade? Para ano? Para saktan ulit siya? Maghanap ka ng kausap mo Ricci! Kahit saktan mo din ako hindi ko sasabihin sayo kung nasaan siya. Isa ka ng halimaw! Hindi na ikaw ang Ricci na nakilala ko noon!" Tsaka tumalikod na ulit siya sakin at umupo na siya sa upuan niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat niya. "Sam please sabihin mo na sakin, gusto ko lang mag sorry sa kanya. Tsaka gusto ko lang na ayusin na namin ang away namin."

"Ayusin? Wow really? Ang kapal mo naman Ricci! Baka nakakalimutan mo tinapos niyo na ang relasyon niyo? Pasalamat ka at okay na siya ngayon dahil kung hindi pa siya nagising kahapon, hindi ko talaga alam kong ano ang magagawa namin sayo." Seryosong sabi niya.

"What do you mean na kahapon lang siya nagising?" Seryosong tanong ko.

"So hindi mo alam? Too much stress at maraming dugong nawala, yun yung dahilan kung bakit buong isang araw siyang tulog. Sabi ng doctor mabuti na lang daw dahil isang araw lang at hindi pa umabot ng ilang araw. Actually sabi ng doctor hindi naman daw delikado ang lagay niya, masyado niya lang daw sinulit ang pagpapahinga kaya ayon umabot ng isang buong araw siyang tulog." Seryosong sabi niya at kinuha niya yung cellphone niya.

T@ng!na Ricci anong ginawa mo sa kanya? Isa kang malaking g@g*! Isa kang halimaw! Hayop ka Ricci! Hayop Ka! Napasabunot ako ng buhok ko dahil sa sobrang galit. T@ng!na muntikan mo ng mapatay ang babaeng mahal mo!

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon