Chapter 6

736 11 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Sissy may chika ako sayo!"

Pag pasok ko sa room namin yan agad ang bungad sakin ni Samantha. Diba ang ganda ng umaga niya kasi may chika agad siya sakin.

"Tungkol nanaman ba to sa boylet mo?" Pag ganyan kasi yan sigurado lalaki nanaman niya yan.

"Boylet mo kamu!" Sigaw niya.

"So dapat talaga na sigawan mo ako? Tsaka anong ibig mong sabihin na boylet mo kamu?"

Okay lang mag ingay ngayon kasi wala pa naman yung prof namin tsaka konti pa lang yung mga estudyante na nandito.

"So ayon na nga, alam mo naman diba na I can't live without social media? So ayon nga kanina while browsing in facebook may nakita ako sissy. For sure magugulat ka kung ano ang nakita ko sissy!" Anak ng pabitin talaga tong babaeng to.

"So ano nga ang nakita mo?"

"Seriously hindi mo pa alam? Sissy ikaw dapat unang nakaalam nito."

"Ano ba kasi yun?"

"Hulaan mo muna sissy." Ngumisi pa ang loko. Upakan kaya kita sissy?

"So ayaw mong sabihin sakin? Then save it for yourself wag mo na lang e-kwento sakin pabitin ka kasi." Umupo na ako sa upuan ko at napansin kung wala pa si Ricci dito.

"Ang harsh mo sissy ah. Sige na nga sasabihin ko na sayo. Ang totoo kasi niyan sissy si Ri---"

"Oh My God! Seryoso ba tong nakalagay sa social media na umalis na si Ricci sa basketball team?"

Hindi na natapos ni Samantha ang sasabihin niya kasi bigla na lang nagsalita si Alexa na kakadating lang.

"Yon nga sana ang sasabihin ko sissy."

"Alexa is that true? So meaning hindi na tayo ang champion this season? Kasi naman diba si Ricci umalis na we all know naman that Ricci is the MVP." mataray na pagkakasabi ni Lyka.

"Oo girl and base on my source umalis daw si Ricci dahil nag away sila ni Juan dahil itong si Juan ginalit si Ricci. There's this girl daw kasi na may gusto kay Ricci at hinahabol niya si Ricci kahit na ang totoo boyfriend niya na si Juan." sabat naman ni Alexa.

"Is that true Alexa? Who's the girl ba?" biglang singit naman ng isa kong kaklase.

"Sino pa edi ang lintang si Akisha Jade Arquiza! So are you happy now dahil nasira mo na ang team nila? Are you happy now dahil umalis na si Ricci? Your so selfish alam mo bang gustong gusto ni Ricci ang makapaglaro every UAAP Season? Tapos hindi niya na yun magagawa ngayon dahil umalis na siya."

Nagulat kaming lahat sa biglang pagpasok ni Roxanne pero mas nagulat ako dahil sa sinabi niya.

"Hoy Roxanne wag kang gumawa ng kwento!" Sigaw ni Samantha sa kanya.

"Me? Gumagawa ng kwento? Are you stupid? Just to inform you hindi ako gumagawa ng kwento at lahat ng sinabi ko dito ay totoo. So what now Jade are you happy now? Teka bakit parang tahimik ka ata? Dahil ba tama ako? Dati ikaw tong nag tatapang tapangan tapos ngayon ikaw tong hindi makapagsalita." Naglakad siya papalapit sakin.

"Oo nga Jade dati ikaw tong mayabang tapos ngayon tahimik ka na? Bakit takot ka na ba samin ngayon?" Biglang singit ni Lyka.

"Dati kung makapagsalita ka parang walang preno tapos ngayon natahimik ka? Well I guess tumiklop na ang ahas. Napahiya ka ba? Yan kasi ang landi landi mo akala mo makukuha mo lahat ng lalaki." Si Alexa naman ang nagsalita.

"Hey kayong tatlong linta! Pwede ba manahimik kayo nakakasuka pakinggan ang mga kasinungalingan niyo! Tsaka ikaw Roxanne wag mo ngang baliktadin ang kwento we all know naman diba na your the one who's slut here?" Hinawakan ko si Sam sa balikat niya sign na wag na siyang magsalita.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now