Chapter 43

427 9 0
                                    

*Ricci POV*

Para akong binato ng marinig ko yung sinabi niya. Tumingin ako sa kanya at nakikita ko sa mga mata niyang seryoso siya sa sinabi niya sakin.

"M-mag p-pinsan kayo?"

"Oo, kaya kami nagsasama sa iisang bahay dahil yun ang gusto ng mommy niya. Simula nung mamatay si mama, umuwi dito yung mommy niya at hindi na bumalik sa states si mama sandy." Seryosong sabi niya.

Pakiramdam ko sasabog na ako, sobrang gulo na ng isip ko. Sobrang dami kung gustong itanong sa kanya ngayon.

"States? Diba nandito lang yung mama ni Akisha? Magkasama pa nga silang tatlo ng daddy niya." Seryosong sabi ko.

Hindi ko alam kong anong pinagsasabi niya ngayon.

"You want to know everything? Sige sasabihin ko sayo. Makinig kang mabuti dahil hindi ko na uulitin to." Seryosong sabi niya at lumapit siya sakin.

"Si mama Sandy siya ang tunay na ina ni Jade, after ipanganak ni mama si Jade dinala siya ni lola sa states, si Jade iniwan siya dito sa daddy niya. Yung totoo kong ina kapatid siya ni mama sandy. Tapos yung mama kong nakilala mo na si mama Valerie magkapatid silang tatlo, kaso si mama Valerie ampon lang siya...."

"Yung akala mo na mama ni Jade hindi yun ang totoo niyang ina, kaibigan yun ng daddy niya na matagal ng may gusto sa daddy niya. Simula nung umalis si mama Sandy at iniwan niya si Jade kay tito, doon na bumalik ang kaibigan ni tito na si tita Rowella at siya ang laging nandiyan para kay tito. Lahat ginawa niya para kay tito at hanggang sa si tito na ang nagsabi na doon na siya tumira sa bahay nila ni tito. Pinaniwala niyang iniwan ni mama Sandy si tito dahil pinagpalit na daw siya nito sa kaibigan niyang si tito Joaquin. Sobrang galit na galit si tito kay mama Sandy at ang galit na yun ay kay Jade niya lahat binato..."

"Pinaniwala nilang si tita Rowella ang tunay na ina ni Jade. Walang araw na hindi sinasaktan ni tita Rowella si Jade dahil pakiramdam niya kaya hindi sila nagkatuluyan ng daddy ni Jade ay dahil na buntis ni tito si mama Sandy. Hindi magawang magsumbong ni Jade kay tito dahil mismo si tito sinasaktan niya din si Jade at naniniwala siya sa lahat ng mga sinasabi sa kanya ni tita Rowella. Kahit ni minsan hindi naramdaman ni Jade ang pagmamahal ng isang magulang mula sa kanila, lalong lalo na kay tito Luis..."

Tumingin ako kay Brent at nagulat ako dahil may nakita akong mga luha sa mga mata niya. Agad niya naman iyong pinunasan ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.

So all those years nabuhay lang pala si Akisha sa isang kasinungalingan? Pero bakit hinayaan ni tito na lumaki si Akisha na ibang ina ang kinikilala niya?

"Nakita namin lahat ng ginawa ni Jade para lang mahalin siya ni tito at tita. Alam mo din yun cci dahil kahit ikaw naging saksi ka sa lahat ng mga magagandang ginawa ni Jade. Ginawa niya ang lahat para mag excel siya sa studies niya, at nakita naman natin na sobrang ginalingan niya talaga kaya deserve niya lahat ng mga parangal na nakuha niya. Pag may mga pageant sa school natin sumasali siya, pag may mga singing contest sa school natin sumasali din siya, lahat ng mga quiz bee sa school siya ang naging pambato. Sobrang dami niyang ginawa para lang maramdaman niyang mahal din siya ng daddy niya at ng kinikilala niyang ina. Pero anong nakuha niya mula sa mga ito? Wala, never nilang sinabi kay Jade na 'Jade anak proud kami sayo, mahal na mahal ka namin' yun lang naman ang gustong marinig ni Jade mula sa kanila..."

So kaya pala everytime na may mga event sa school hindi ko nakikitang pumupunta ang parents niya. Kaya pala minsan sila mom at dad ang sumasama sa kanya minsan naman si tita valerie yung sumasama sa kanya, yung mama ni Brent.

"Kaya minsan sinasabi niya na lang sayo na sina tita Abigail at tito Paolo na lang ang sumama sa kanya kasi busy yung daddy at mama niya. Minsan sinasabihan ko si mama Valerie na samahan siya kasi nahihiya na siyang sila tita at tito na lang ang palagi niyang kasama. Hindi niya sinabi sayo ang totoo kasi kahit siya huli niya na din nalaman na hindi pala si tita Rowella ang totoo niyang ina. Ako alam ko lahat ng yun cci pero sinabi sakin ni mama Valerie na hindi namin sasabihin yun kay Jade. Hahayaan namin na si tito Luis ang magsabi ng totoo sa kanya, hindi kaya si mama Sandy na lang ang magsabi sa kanya ng lahat. Lahat ng kilos ni Jade, lahat ng nangyayari sa buhay niya alam namin yun ni mama Valerie at sinasabi namin yun lahat kay mama Sanday. Gustong gusto ni mama Sandy na umuwi dito sa pilipinas at kunin si Jade sa daddy niya, pero natatakot siya na baka pag nalaman yun ng lola namin baka anong gawin sa kanya at kay Jade. Kaya walang nagawa si mama Sandy kundi ang manatili sa states. Kami ni mama Valerie ang bumabantay kay Jade habang nandito siya sa pilipinas, kasama ang daddy niya..."

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now