Chapter 51

398 5 2
                                    

*Akisha Jade POV*

"Madam halika na umuwi na tayo." Tumayo na si Juan at kinuha niya yung bag ko.

Tumayo na lang din ako at sumunod na ako sa kanya. Grabe sobrang nakakapagod ang araw na to! Today is friday kaya sobrang busy ko ngayon, sobrang dami naming ginawa kanina. Mabuti na lang din at natapos na ang lahat. Grabe tomorrow is the day na para sa kanila ni Sam at Diego, parang kailan lang naglalambingan lang sila tapos bukas mag po-propose na si Diego sa kanya. Sigurado ako na maiiyak si Sam sa surprise ni Diego para sa kanya.

Nung natapos na namin yung pag dedesign kanina nakaramdam ako ng pagka proud sa sarili ko, hindi ko aakalain na matutupad ang isa sa mga gusto ko noon kahit hindi man para sakin ang proposal na to still masaya ako kasi nakapag organize ako ng ganitong event, matagal ko na talagang gusto to pero gusto ko sana para sakin lang. Sana lang talaga magustuhan din ni Diego at Samantha ang ginawa ko. Lahat ng mga idea para sa event na to ako ang nag isip at decision ko lahat ang nasunod.

Yung theme ang cool ng dating niya kasi parang kakaiba siya, tapos yung mga invitation sobrang ganda din. Tapos yung souvenir sabi ko lalagyan namin ng pictures ni Diego at Sam pero sabi ni Shane siya na lang daw ang gagawa non. Lahat ng mga pagkain sinugurado ko na masasarap lahat at siguradong magugustuhan nilang lahat ito. Tapos yung cake din sobrang ganda three layers siya na strawberry yung flavor. Actually chocolate sana yun kasi yun yung favorite ni Sam kaso nagtalo nanaman kami ni Ricci tungkol don tapos tinawagan niya si Diego at sabi niya okay lang daw ba kung strawberry yung cake sabi naman ni Diego okay lang daw.

"Pasok ka na madam." Nakangiting sabi ni Juan pagkatapos niyang buksan yung pinto ng passenger seat.

"Salamat don." Ngumiti ako at pumasok na sa loob.

Tinawagan ko siya kanina na sunduin ako kasi hindi ko nadala yung kotse ko kasi doon ako natulog kagabi sa condo ni Ricci. Speaking of Ricci, hindi niya daw kasi ako masusundo ngayon at sa bahay daw ako matulog ngayon. Lately parang ang weird niya at parang hindi kami masyado nakakapag usap dahil sobrang busy niya. Tapos pag tinatanong ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya sasabihin niya lang na negosyo. Naiinis na nga ako kasi kahit na sa condo na niya kami kaharap niya pa din yung laptop niya tapos yung cellphone niya halos hindi niya na mabitawan.

"Mukhang pagod na pagod ka ngayon madam ah?" Tapos inistart niya yung sasakyan.

"Sobrang pagod! Pero okay lang kasi finally natapos na din, grabe don hindi ako makapaniwala na ako lahat ang nag isip ng mga yun." Tapos ngumiti pa siya sakin.

Ngumiti din siya sakin. "I'm so proud of you Jade. Pwede bang ikaw ang date ko bukas?"

"Pwede naman yun don, hindi daw kasi makakapunta si Ricci dahil may sobrang importante daw siyang meeting bukas. Nakakainis nga kasi hindi niya man lang makikita lahat ng mga ginawa ko kahapon. Pero bukas ng umaga pupunta na ako sa hotel para icheck lahat. Tapos mga five na siguro ako mag aayos, six pa naman yung start ng event."

Hanggang ngayon kinakausap ko pa din si Ricci na mag attend siya pero sabi niya gusto niya man pero hindi kasi pwede na e-move yung meeting niya kasi sobrang busy daw ng client niya na ito, bigatin daw kasi at gusto siyang maka business partner. Nagulat nga ako kasi akala ko dati ayaw niya magkaroon ng business partner pero bukas may meeting na siya na magiging ka business partner niya.

"Sige doon na lang ako bukas magbibihis sa private room mo sa opisina." Seryosong sabi niya at tumingin siya sakin. "Hayaan mo na kung ayaw niyang pumunta malay mo sobrang importante talaga ng meeting niya bukas. Sure naman ako na proud na proud sayo si Ricci, sobrang ganda kaya ng ginawa mo. By the way may mga special guess ba? Like may mga singer na kakanta o di kaya mga artistang kakanta."

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon