Chapter 10

766 18 0
                                    

*Ricci Paolo POV*

Patapos na ang last period namin pero wala pa ding Akisha Jade na nagpapakita sakin. After niyang umalis kanina hindi na talaga siya bumalik I think umuwi na yata yun hindi siguro kinaya ang mga sinabi ni Alexa sa kanya.

Teka bakit ko ba kasi hinahanap ang babaeng yun? Dapat nga masaya akong hindi ko siya nakikita ngayon kasi kahit papano naging tahimik naman ang buhay ko. Pag nandiyan kasi siya ang ingay hindi kasi siya nawawalan ng kwento tapos nasusungitan ko na lang minsan kasi ayaw tumahimik.

"Okay class dismissed. Don't forget to review your notes because we will be having a test tomorrow." Lumabas na si Ms. Delgado after niya sabihin yun.

Lumabas na din ako at papunta na ako sa gym para sa practice namin mamaya. Sa totoo lang gustong gusto ko talaga ang paglalaro ng basketball gaya nga ng sabi nila Ball is life. Pero hindi ko alam bakit nagawa kung umalis sa team dahil lang kay Roxanne. Oo mahal na mahal ko siya pero hindi ko lang inaasahan na magagawa kung talikuran ang isang bagay na gustong gusto kung gawin para sa kanya. Sa totoo kasi niyan pag nag aaway kami ito na lang ang palagi niyang sinasabi na dahilan kung bakit siya galit sakin kasi wala na daw akong time sa kanya puro basketball na lang daw ako.

Pero naaalala ko dati nung kami pa ni Akisha hindi naman nagagalit sakin yun actually siya nga palaging nag sasabi sakin na mag practice daw ako araw araw para mas gumaling ako sa larangan na ito. Tapos never ako nakarinig sa kanya na nag demand siya sakin ng time. Ako nga tong minsan hindi pumupunta sa practice para lang mahatid ko siya sa bahay nila. Ang isa sa pinag aawayan lang namin dati is yung hindi ko pag practice dahil hinahatid ko pa daw siya kaya napapagalitan ako ni coach. Kabaliktaran ni Akisha si Roxanne.

Aaauugh!!! Bakit ko ba sila kinukumpara? I know naman Roxanne is better than Jade. Roxanne is always there for me while Jade chose to leave me hanging.

"Babe! Hey babe wait for me!" Teka boses ni Roxanne yun diba?

Napalingon naman ako sa sumisigaw sa likod ko. Then I was right si Roxanne nga. Lumapit na din ako sa kanya and after that yayakapin niya na sana ako pero hinila ko siya papasok sa isang room na walang tao.

"Babe I missed you." After niya sabihin yun niyakap niya ako. Yung yakap na sobrang higpit.

"I miss you too babe." Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Yes it's true hindi talaga ako nakipag hiwalay kay Roxanne. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kayang mawala siya. Akala ni Jade hiwalay na talaga kami ni Roxanne sinama ko pa siya noon nung nakipag hiwalay ako kay Roxanne pero after non kinausap ko si Roxanne na kailangan naming itago ang tunay naming relasyon at kailangan naming mag ingat dahil maraming mga mata si dad sa labas. Umiyak pa nga si Roxanne non kasi akala niya talaga nakikipag break na ako sa kanya.

You think two timer ako? Well I can say na hindi ako two timer si Roxanne lang naman talaga ang mahal ko tapos si Jade, pumayag lang ako sa gusto ni Dad para hindi ako itakwil ni dad sa pamilya namin. So what kung parang niloloko ko lang siya. Si Roxanne naman kasi talaga ang mahal ko at wala silang magagawa don.

"Ano ba yan babe palagi na lang tayong nagtatago. Tapos kayo nung malanding babaeng yun lantaran kung makapag PDA." Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin.

"Sorry na nga kasi babe alam mo naman diba na mahirap na ang sitwasyon natin ngayon so please understand the situation."

"Akala ko ba mahal mo ako?"

"Mahal naman talaga kita babe kaya nga hindi ako nakipag hiwalay sayo diba." Hinawakan ko yung kamay niya at kiniss ko ito.

"So kung mahal mo talaga ako bakit hindi na lang tayo magsama? Diba pinapalayas ka naman ng pamilya mo so ayon na ang sign na pwede na tayong sumama."

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now