Chapter 40

417 6 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Nagising ako sa ingay ng mga taong nakapalibot sakin ngayon. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at inikot ko ang paningin ko kung nasaan ako ngayon.

"Sweetie!" Mabilis na lumapit sakin at niyakap niya ako.

Lumapit din si papa sakin at niyakap niya kaming dalawa ni mommy.

"Thanks god nagising ka din Jade anak." Rinig ko pang sabi ni papa habang nakayakap sakin.

Teka anong ginagawa ni papa dito? Tsaka bakit na sa hospital ako ngayon? Kumalas sila sa pagkakayap sakin at tumayo sila sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Samantha at Brent na nakatayo malapit sa sofa.

"Omaygod sissy!" Biglang lumapit sakin si Samantha at niyakap niya din ako.

"Babe wag masyadong mahigpit!" Saway ni Brent sa kanya at lumapit na din samin si Brent.

After akong yakapin ni sam, niyakap din ako ni brent. Tsaka kumalas na din siya sa pagkakayakap niya sakin.

"Pasalamat ang Rivero na yun at nagising ka na." Seryosong sabi niya.

Parang unti-unting bumalik sakin ang alaala ko, kung anong nangyari sakin bago ako napunta dito. Kung anong nangyari samin ni Ricci bago ako lumabas ng unit niya. At kung paano ako nawalan ng malay sa bisig ng lalaking kinakasuklaman ko. Nung oras na nakita ko siya at tumingin ako sa mga mata niya, parang nawala lahat ng galit ko sa kanya nung mga oras na yun. Hindi ko aakalain na siya ang dadating nung mga oras na kailangan ko ng taong tutulong sakin. That time I feel hopeless, worthless and helpless.

"Brent anak." Seryosong sabi ni mommy.

"Tita bibili lang po kami ni Brent ng pagkain sa labas." Paalam ni Samantha at hinila niya palabas si Brent.

"Sige Sam anak, mag ingat kayo." Ngumiti si mommy sa kanya. Then lumabas na din silang dalawa.

"Sweetie bakit umabot sa ganito?" Seryoso ang mga mata ni mommy na nakatingin sakin.

Umupo si mommy sa hospital bed at tinulungan ako ni papa na umupo din, tsaka umupo din si papa sa tabi ko.

"Bakit sweetie? Bakit umabot sa puntong ito? Nasasaktan ako sweetie." Kinuha ni mom yung kamay ko at hindi ko siya magawang tignan sa mga mata niya.

"Mom I'm sorry, sorry dahil nabigo nanaman akong protektahan ang sarili ko." Mahinang sabi ko.

"Jade anak, you never failed to protect yourself. Sobra ka lang talagang nasaktan ni Ricci at hindi mo na nakaya yung sakit na binigay niya sayo." Napatingin ako kay papa ng sabihin niya yun.

"Papa, mommy I know naman po na may kasalanan ako. Simula pa lang hindi ko na sinabi sa kanya ang totoo, kaya nung siya na ang nakatuklas non sobra siyang nasaktan kaya niya nagawang isarado ang isip niya sa katotohanan. Nahirapan na akong buksan ang isip at puso niya at dahil sa kagustuhan kong sabihin sa kanya ang totoo, ayon hindi niya napigilan ang sarili niya na saktan ako." Yumuko ako dahil hindi ko magawang tignan sila sa mga mata nila.

"Alam mo sweetie na butong buto ako kay Ricci para sayo. Pero nung sinabi samin ng daddy mo lahat ng nangyari, parang ayaw ko ng makita ang lalaking yun. Sweetie sinabi na samin ng daddy mo lahat at nagtatampo ako sayo dahil tinago mo to sakin. Hindi lang sakin maging kay samantha at kay brent tinago mo din to. Nung narinig nila yung sinabi ng dad mo, Si Samantha parang gusto niya daw sabunutan si Ricci. Tapos si Brent sabi niya baka pag nag kita daw sila siya na daw ang papatay kay Ricci." Nakita kong pinunasan ni mommy yung mata niya.

I hate it when you see your mom crying, parang feeling ko ang sama kong anak dahil umaiyak yung mommy ko.

"Hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko sa lalaking yun pag nakita ko siya." Seryosong sabi ni Papa.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now