Chapter 15

692 11 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Monday na naman ulit, haisst nakakapagod na ang pumasok. Or should I say pagod lang talaga ako ngayon? Actually kasi kahapon yung libing ni Tita Val at lahat kami pagod pa, especially mom and brent.

"Good morning sweetie, ang aga mong nagising ata ngayon?" Naka ngiting sabi ni mom sabay beso sakin.

"Medyo late na nga po mom, for sure mabubusog ako ngayon. By the way mom si brent ba gising na?" Tinulungan ko na siya sa paghahanda ng kakainin namin.

"Hindi pa siya lumalabas ng kwarto sweetie, hayaan mo na muna siyang mag pahinga." Nilagay na ni mommy ang mga pagkain sa mesa at umupo na kaming dalawa.

I know it will not be easy para kay brent na ipagpatuloy ang buhay niya but like I've said to him kailangan niyang bumangon para sa sarili niya.

"Wag na lang muna siyang pumasok mom kasi I know hindi naman siya makakapag concentrate sa studies niya ngayon." I suggest.

Nilagyan muna ako ni mommy ng pagkain sa plato ko tsaka siya nag lagay ng pagkain sa plato niya. Ito yung isa sa pinaka namiss ko, yung may mommy kang mag aalaga sayo, yung ipagluluto ka ng pagkain at mag mamahal sayo higit pa sa buhay niya.

"I already talk to him with regards to that sweetie. Maybe one week enough na yun para makapag pahinga siya,  after one week gusto kung mag outing tayo para ma unwind siya at hindi niya na maiisip si ate Val."

"That's a great idea mom! I will do everything para mag enjoy siya." Excited kung sabi.

"Okay then sweetie, but now kailangan mo ng kumain para hindi ka magutom sa pag pasok mo mamaya." Ngumiti siya sakin.

"Mom?"

"Yes sweetie?"

"Thank you for coming mom, thank you for always being there for us, especially for brent." out of nowhere kung sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mga mata ko. "It is my responsibility to take good care the both of you, your my daughter and brent is my nephew."

"I know mom, but I didn't expect you would go here just for the both of us."

"I owe a lot to ate Valerie kaya hindi ko kayang pabayaan si brent, especially you. Ngayong wala na si ate para tumingin sa inyong dalawa ni brent dito, maybe it's time for me para ako naman ang mag alaga sa inyong dalawa. Sa aming tatlo ako na lang ang natitira dito para bantayan kayo. Just eat sweetie hayaan mo na muna yan, there's always a perfect timing for everything." after that kiniss ako ni mom sa forehead ko.

"I love you mom."

"I love you too sweetie, eat now at ihahatid na kita."

"Mom! I can go to school by my own now, you don't have to do that mom."

Ngumiti si mommy sakin at pinisil ang ilong ko. "Okay fine, sorry sweetie I forgot my daughter is not a kid anymore."

Hindi na lang ako sumagot at kumain na lang kaming dalawa ni mommy. It's already 8:30 in the morning pero hindi pa din nagigising si brent.

"Mom I have to go baka ma late ako." Uminom muna ako ng tubig at tsaka bumeso sa kanya.

"Okay sweetie mag iingat ka, I love you so much." Kiniss na ako ni mom sa pisngi ko.

"I love you more mommy!" I hug him so tight.

*****

Pag pasok ko sa room namin kunti pa lang ang tao sa loob, napaaga ata ako bakit parang wala pa masyadong tao dito? Pito lang kaming nandito ngayon at hindi ko pa close ang mga nandito. Si Adrian lang ang medyo kilala ko dito. I remember siya yung partner ni Samantha sa performance namin mamaya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now