TLGMMBG ♕3

73.1K 886 56
                                    

SAM

"Ikaw????!”

“IKAW???!"

Sigaw namin sa isa't isa habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin dahil nagshake hands kami.

Napabitiw ako agad ng padabog sa kamay niya at tumingin sa malayo.

"Look at what we have here.. Akala ko ba ayaw mo na akong makita? Eh—mukhang sinusundan mo ako ah?"Sabi niya habang yung mga kamay niya nasa may magkabilang dulo ng tuwalya niya na nakalagay sa balikat niya.

"A—ang kapal ng muka mo! Kung ikaw lang hindi kita susundan noh! Akala mo kung sinong gwapo!"Singhal ko naman sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa malayo. Kapal talaga ng mukha niya nakakairita. He’s really getting into my nerves.

"Eh anong ginagawa mo dito?"

Lumakad siya papunta ng couch at naupo. Bwisit naman ng lalaki na 'to. Ni hindi man lang magbihis bago makipagtalo! Hindi porket maganda katawan niya dapat dini-display na. Diyos ko Lord.

"Ako yung kinuhang tutor ng Mom mo. Kung alam ko lang na ikaw ang tuturuan ko adi sana hindi na ako nagpunta sa lugar na 'to!!"

Tumayo siya sa harap ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Pwes wala ka ng magagawa.. Ikaw na ang tutor ko!!" Ngumiti na naman siya ng nakakaloko.

Susmaryosep naman ‘yang ngiti na yaaaan! Nakakasira ng araw!

Yung side smile niya talaga na ‘yan hindi katiwa-tiwala! Halatang-halata sa mukha niya na may binabalak siyang hindi maganda.

"Hoy Mr. Padilla na mayabang! For your information, ni wala sa hinagilap na pinangarap ko na makasama o makita ka at lalo naman na itu-tor ka. Kaya maghanap ka na lang ng ibang tutor ‘coz I QUIT!!"

Lumayo siya ng bahagya sakin at dumampot ng yosi na nakaibabaw sa center table niya at doon siya naupo.

Ako naman, nakaiwas lang ng tingin sa kanya kasi baka mamaya isipin nung mahangin na ‘yun na pinagpapantasyahan ko siya. Asa naman siya! Eew!

"Ang sungit mo naman! Never ka pa sigurong nagkaboyfriend?"

"Ano bang pakialam mo ha? Tyaka ano naman ang kinalaman nun sa pagiging tutor mo?"

Nag-taas lang siya ng balikat. "Wala naman.. Halata naman eh." Sabay ngumiti na naman siya ng nakakaloko tapos sinindihin niya yung yosi niya.

 Aba at ang kapal talaga ng mukha niya. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa mayabang na ‘to. "Wala kang paki! Makaalis na nga!!" Tama. Aalis na lang ako bago pa maubos ang bait ko sa katawan dahil sa utak biya na gangster na ‘to. Bwiseeet!

Inismidan ko lang siya sabay dampot ko ng bag na ibinaba ko sa center table niya.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon