TLGMMBG ♕17

55K 606 61
                                    

A/N:

Maraming salamat talaga sa lahat ng nagko-CONVO sa story ko. 

Ayan po totoo na, nasa external link na yung picture ni Papa Seyd. <3

___________________________________________________________

CHASE's POV:

"Nice ride, Tol"

Sabay-sabay na bati sakin nila Boom, Derick, at Jason sa pagbaba ko sa bago kong kotse. Yellow Porsche Sports Car lang naman mga dre. I got this as a reward from my Mom. Naalala niyo pa yung pangako sakin ng Mama ko na kapag naipasa ko ang mga tests ko, ibabalik niya yung isa ko pang bahay pati ibibili niya ako ng bagong rides? Eto na siya. Nakuha ko na.

Actually may bonus pa nga siyang kasama, kasi binigay na din sakin ng Mama ko ang matagal ko ng hinihingi sa kanya, yung isang Restobar namin sa Makati. Mas makakapag-party na ko neto after ng mahabang preps namin ni Sam for my exams. Namiss kong mag-inom pati magparty after kong magskip ng ilang weeks.

Speaking of Sam, dahil na rin sa usapan namin ng Mama ko, extended ang pagtututor niya sakin sa ayaw niya at sa gusto. Yun nga lang, hindi pa niya alam dahil hindi naman kasali sa usapan nila Mama at Tita Anne; Mama ni Sam, na matagal niya akong tuturuan.

Ako na lang daw ang bahala mag-explain sabi ni Mama. Sus. Asa pa ko na makikinig sakin yung tao na yun. Pero bahala na. Dadaanin ko na lang sa charm.

Dahil uwian na rin naman kaya nasa parking lot kami ngayon. Hinihintay kasi ni Boom si Bea dahil may date sila. Si Derick naman, hinihintay si Krystal dahil may project sila at magka-group sila.

Tinatanong niyo kung ano ang ginagawa ko dito?

Simple lang.

Hinihintay ko lang naman ang GIRLFRIEND ko.

Oo. GIRLFRIEND! Make that EMPHASIZED. Dahil simula ngayon hanggang sa mga susunod pang araw, gf ko na si Samantha. Bwahahahaha!! (evil laugh with a devilish smirk)

Isasakatuparan ko na rin kasi yung pustahan namin ni Boom, kaya wala siyang magagawa kundi siya ang humarap sa SOAG Gang dahil ako yata ang mananalo.

Nakita namin na palabas na ng lobby sila Sam kasama sila Krystal.

"Pare, boyfriend ba ni Sam si Kiel?"

Tanong ni Jason sakin na may kasama pang paniniko.

"Ayos ka lang pare? Yan? BF ni Sam? Hindi ah!!"

Sabi ko na napaturo agad kay Mr. Congeniality este Kiel habang papalabas sila.

"Paano mo naman nalaman? Bakit? Sino bang BF ni Sam?!"

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon