TLGMMBG ♕2

96.7K 1K 94
                                    

SAM

OMONA! Pa—patay ako.

Nalaglag yung libro na hawak ko pati ang panga ko.

Hulaan niyo lang naman kung sino yung binato ko at lumagapak sa lupa?

Si—si—

Si Chase ‘YABANG’ Padilla lang naman.

Oo. As in si Chase na hari ng kayabangan, hari ng kabulastugan at ang pasimuno ng mga suntukan at ang anak lang naman ng may-ari ng school na pinapasukan ko.

Wow. Wow talaga. It must have been my lucky day dahil matapos kong iwasan ang gulo sa library, nakasalamuha ko naman ang taong maaaring sumira ng highschool life ko. Thanks destiny ha? Ang swerte ko.

Nginitian niya ako ng may halong pang-iinis kaya napalunok ako ng isang matindi.

"I-i-ikaw!" Tinuro ko yung muka niya sa sobrang gulat ko. "Anong ginagawa mo d-dito?" Bulyaw ko sa kanya.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Ako lang naman ang Diyos ng mga puno na ginambala mo!" Sigaw niya sakin tapos nag-cross arms siya.

"Ba-baliw ka ba! Meron ba nun?"

Nauutal kong sagot sa kanya.

"Oo! Ako nga diba! Sinayawan mo pa nga ko eh!"

Nag-side smile lang siya sakin.

Buset talaga tong lalaki na 'to. Buong buhay kong iniwasan na makasalamuha sya dahil ayaw ko ng gulo pero eto ako ngayon kaharap siya at—sa huling year ko pa talaga ng highschool siya nakilala. Very nice. Baka mapaalis ako ng wala sa oras sa TPIHS, at baka masayang lahat ng pinagpaguran ko na maging valedictorian. This can’t be!

"Baliw! Makaalis na nga!” sagot ko sa kanya. Kailangan ko nang makaalis dito as fast as possible bago pa lumalala ang mga bagay-bagay.

Dinampot ko muna yung libro tapos tinalikuran ko na siya at naglakad papalayo.

Pero bago pa man ako makalayo bigla niyang hinila yung damit ko dun sa collar ko sa likod.

"Teka.. Teka.. Saan ka pupunta?! Aber?!" Iniharap niya ako sa kanya ng walang ano-ano.

Napapikit ako dahil inilapit niya yung muka niya sa muka ko.

"A-a-alis na a-ako! Tumabi ka diyan!"

Tapos hinarang ko yung libro sa muka ko just in case ‘man na may gawin siya, hahampasin ko siya ng libro na hawak ko.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon