TLGMMBG ♕8

73.7K 709 59
                                    

SAM 

"Kiel?!" Napanga-ngang sigaw ko. Napatalon pa ko sa kinakatayuan ko at niyakap si Kiel. Ngumiti naman ng pagkalaki-laki si Kiel dahilan para magsigawan ang mga schoolmates ko sabay lapit niya sakin para ibigay ang yakap niya.

  

Kiel Gil. Isa sa mga kababata ko. Huli ko siyang nakita ng personal nung 5th grade, his whole family migrated sa Alaska pero constant ang communication namin since then. Skype almost every week and kahit medyo mahal ang overseas texting we see to it na nagkakamustahan kami kahit papano.

“Kamusta?” Bungad niya at ginulo pa  talaga ang buhok ko matapos magsalita.

I pouted matapos kong kumalas sa yakap niya. ‘Yan na naman ‘yang habit na ‘yan kaya kami madalas mag-away nung bata kami eh, hilig niya kasing ginugulo ‘yung buhok ko. “Maayos. Ikaw? Teka—bakit nandito ka? Diba sabi mo sakin malabo na kayong makabalik dito dahil nag-eenjoy sila Tita sa magandang itinatakbo ng business niyo?”

Tumango siya. “Yup, pero that doesn’t mean na hindi na ko pwedeng mag-stay dito.”

“Kainis ka, hindi ka ‘man lang nagsabi para nasundo kita sa airport.” Pinalo ko siya ng marahan sa braso.

“Aray—Surprise nga e.” He winked. “Ayos ba? Gwapo ko na ba?” Sabi niya habang nakahawak sa mukha niya.

Oo nga naman ang gwapo na niya. Dati-rati pareho pa kaming uhugin na nag-aaway at nagkakatampuhan pero tingnan mo kami ngayon, we're all grown up. Parang kelan lang nung umalis siya, nag-iiyakan pa kami habang nagpapaalam sa isa’t isa pero heto na siya ngayon nasa harap ko na. Nagkatinginan lang kami ng matagal ng mata sa mata na akala mo'y nag-uusap na kami sa ganoong paraan. Ngumiti siya kaya mas napangiti ako.

"E-Ehem!" Pambabasag ni Krystal sa kung anong nagaganap samin ni Kiel.

Napalingon ako sa kanila pati sa ibang schoolmates namin na nakikigulo. Nagbubulungan ‘yung iba, ‘yung iba naman titig na titig lang kay Kiel. Well hindi ko naman sila masisisi dahil natural na gwapo si Kiel at maganda ang tindig kaya hindi na nakakataka na pagkakaguluhan siya. Medyo nakalimutan kong nasa harap kami ng maraming tao kaya hinila ko papalapit ‘yung dalawa kong kasama. "Oo nga pala, Si Steph at Krystal, mga kaibigan ko.." Pagpapakilala ko.

Iniabot naman niya  ang kamay niya  kila Steph. "Kiel." Sabay tango niya.

Matapos nilang magkamayan nakakunot lang ang noo ko kay Kiel dahil hindi ko magets ang gusto niyang ipahiwatig.

Nag-smile at humarap siya dun sa dalawa. “Ugh girls, pwede ko bang hiramin si Sam sainyo ngayon?” Pagpapaalam ni Kiel.

“Sure, go ahead.” Si Steph.

“Thanks.” He smiled again sabay hablot niya sakin. Kinuha niya ‘yung bag ko at nakaakbay naman siya sakin habang naglalakad kami. Napalingon lang ako kila Steph na kumakaway sa amin.

____

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon