TLGMMBG ♕5

68.5K 827 52
                                    

CHASE

FLASHBACK:

Sa inis ko sa pagkakairap sakin ni Sam, nakaisip ako ng paraan para asarin siya. At ‘yun ay ang datnan niya ako sa pamamahay niya kaya pagkatapos na pagkatapos ng lunch break, nag-ditch na agad ako at umuwi para magpalit ng damit. 

 "Chase?!"

“Ian?!”

“Hoy barubal na bata! sasagot ka ba o gigibain ko ‘tong pinto ng kwarto mo?”

Kamalas-malasan ko nga naman, nadatnan pa ko ni Mama sa bahay. Dahan-dahan na nga akong umakyat sa kwarto ko nalaman pang dumating ako. Dayum. Anong saysay nung pag-aala spiderman ko sa terrace kung mahuhuli din pala ko? Taena. Dapat pala gumamit na lang ako ng pinto. Diyosmiyo. Sayang na effort, sayang pa brain cells kong pumutok kakaisip kung paano ko hindi mahuhuli.

Napahawak na lang ako sa noo ko habang pinagbuksan siya ng pinto. Panigurado bubungangaan na naman ako neto. Tsk.

Kumiss ako sa cheeks niya at nagkamot ng ulo. “Ma, ikaw pala ‘yan..”

"Bakit ang aga mo? Umabsent ka? Tumakas? O nakipag-basag ulo ka na naman?" Bungad niya nang makapasok siya sa kwarto ko.

"Hindi ah! Nag-excuse ako sa teacher ko.. kukuha kako ako ng gamit para sa condo ko.” Palusot ko sa kanya. Nagtakip agad ako ng tenga dahil panigurado sesermunan ako neto na parang armalite.

"Hoy bata ka! Ibinalik ko lang sayo yang condo mo dahil ang sabi mo magseseryoso ka na sa pag-aaral! Tyaka anong nagpaalam ka dyan! Panigurado dinaan mo na naman sa dahas ‘yung pag-eexcuse mo! Magtino ka naman sana hanggang makatapos ka ng highschool! Ikinuha na nga kita ng tutor mo para masigurado kong aayos ka pero eto tumatakas ka na naman! Itrato mo ng ayos ‘yung tutor mo! Alam mo naman na inaalagaan ng school natin si Samantha!" See? Kung pumuputok lang ang bunganga ni Mama panigurado lahat ‘yun asintadong tatama sakin dahil sa kakaratrat niya.

“Ang sakit mo naman magsalita Mama, ganyan ba tingin mo sakin? Marahas?” Kunwaring nasasaktan ako sa mga paratang niya at napahawak pa ko sa noo ko. Walang pakundangan naman siyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay tumango. “Mabait ako sa tutor ko noh! Close kaya kami nun!” Pagyayabang ko.

“Sinong niloloko mo? Ako pa ba na Mama mo? Ikaw? Close kay Samantha? End of the world na ba? Impossible.” Sagot naman ni Mama na natatawa pa. “Hoy basta maiba ko.. kaibigan ko Mama ‘nun kaya magtino ka kundi hindi ka lang lagot sakin, mas lagot ka sa Mama nun.”

"Weh? Ma? May kaibigan ka? Impossible." Tawang-tawa kong ganti sa kanya. Maya-maya pa—Bigla-bigla na lang may lumalanding na unan sa mukha ko. Sa sobrang lakas ng pagkakatama parang humiwalay ng ilang segundo palabas sakin ‘yung kaluluwa ko.

“Aba’t siraulo kang bata ka.”

“Biro lang.” Sabay nag-peace sign ako. “Diba friend mo nga sabi mo?”

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon