TLGMMBG ♕15

50.9K 563 68
                                    

CHASE's POV:

Naiisip ko pa lang na nanggagalaiti sakin sa galit si Sam natatawa na agad ako. LOL

Alam mo yung feeling na nai-imagine mo yung mukha niyia habang pulang-pula na galit na galit sakin? Haaay. Hindi na ako makapaghintay na makita ang nakakatuwa niyang reaksyon. For sure, magtataray na naman yun.

Ilang oras nalang at uwian na pero may nagkakagulo sa hallway.

Pumasok na hingal na hingal si Boom sa room namin kasama si Jason.

"Chase Pare, sumunod ka samin!"

Sigaw nilang dalawa. Mukhang seryoso ha?

Hindi naman ako nagpatumpik na nagpapapilit pa kaya sumunod lang ako sa kanila, sila tumatakbo pero ako naglalakad lang habang yung mga kamay ko nasa bulsa ko lang.

Syempre, baka mawala yung coolness na dating ko. Tahahaha! \m/

Pati si Derick sumunod na rin, pakiramdam ko tuloy parang susugod lang kami sa isa naming laban sa SOAG Gang.

Huminto kami sa tapat ng isang room. Luminga-linga lang ako sa paligid hanggang sa napansin ko na room nila Sam yun.

Teka anong meron? Bakit ang daming tao?

Ang ingay masyado.

Sumilip ako kaya nahawi yung mga tao sa paligid. Ako yata ang BATAS.

..

Teka?

Tama ba yung nakikita ko?

Si Samazona? May kausap na lalaki?

At ang kapal ng mukha nun ah, galing pa siya ng ibang school. Paano nakapasok dito yan?! Sino naman kaya yun??!

Ang lakas ng loob niya na pasukin ang kaharian at teritoryo ko ng hindi dumadaan sakin?!!!

At ang yabang niya para kausapin ang tutor ko ha!

Lalapit na sana ako papasok kaso biglang umalis yung lalake at dali-daling lumabas sa unahan na pinto.

Takte. Ni hindi ko man lang nakita yung mukha nung lalaki.

BADTRIP.

Teka. Bat ako nababadtrip?

Ano naman sakin kung may kausap siyang lalaki?

Ano naman sakin?!

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon