TLGMMBG ♕30

40.6K 447 82
                                    

A/N:

Special Dedication to @MischiefQueen otherwise known as Mhaei, alam mo na yan Bebe girl! <3

 

___________________________________________________________

 

CHASE's POV:

 

"Pare, ano ba talaga ang problema?"

Kanina pang tanong sakin ni Derick mula ng makarating kami dito sa bar.

Yun nga, dahil sa inis ko napaaya tuloy ako ng inuman sa kanila. Ni hindi nila ako makausap ng ayos dahil kanina pa hindi maipinta ang pagmumukha ko.

Para naman kasi akong tanga, ano ba kasi ang kinakainis ko?

Yung iniwan ba niya ko sa school o yung dinatnan ko siya na kasama na naman si Oliver?

Sa totoo lang hindi ko rin alam. At ayokong sabihin kila Boom ang dahilan dahil alam na alam kong  magiging tampulan lang ako ng tuksuhan kung gagawin ko yun.

"Uy Tol! Ano ba talaga? Nag-away ba kayo ni Samantha? O break na kayo? Ano ba?"

Pang-aasar na tanong sakin ni Boom habang tinapik ako sa braso.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon