TLGMMBG ♕25

43.5K 610 60
                                    

CHASE's POV:

Naunang dumating sakin sina Derick sa bar kaya pasunod pa lang ako. Hindi kasi mawala sa isip ko si 'Ca-' basta siya.

Ano na naman kaya ang balak niya at nandito na naman siya?

Naknamputs. Ang ayos na ng buhay ko ha?!

Subukan lang niya ulit guluhin! Baka hindi ko na alam ang magawa ko sa kanya.

Nang makarating ako sa bar, hinagilap ko kaagad sila.

"Pare?"

Hinila ko kaagad si Derick, Boom at Jason habang umalis si Krystal at Steph at pumuntang washroom.

"Oh? Anong meron?"

Tanong nung tatlo.

Napalagok pa muna ako ng beer bago magsalita.

"Bumalik na siya."

Sabi ko ng mahina at lumagok pa ulit ng beer.

Napatingin lang sakin ng matalim yung tatlo na para bang naintindihan na agad nila ang ipinaparating ko.

"Bakit daw? Nagkausap na ba kayo?"

Tanong ni Derick.

"Sure ka ba Pare na siya yun?"

Sabi naman ni Boom na napalagok na rin ng beer.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon