TLGMMBG ♕36

35.6K 438 25
                                    

CHASE's POV:

"Pare, tingnan mo yung mga babae dun sa right corner natin, kanina pa tingin ng tingin sayo."

Siniko ako ni Boom habang lumalagok ng beer kaya napatingin naman ako sa mga babaeng sinabi niya. Siya naman, kumaway sa kanila kaya I just rolled my eyes at him.

Nasa bar kasi kami ngayon dahil nagyaya ang barkada na i-celebrate sana yung pagkakakaayos namin ni Sam kaso si Bea naman at Boom ngayon ang may gap kaya inihiwalay muna namin sila sa isa't isa para hindi sila mauwi sa break up. Yun nga lang, boys night out ngayon tapos sila Sam, Krystal, Steph at Bea ay may sarili ding way para kausapin si Bea; girl's bonding na din daw nila yun kaya nag-sleepover silang lahat kila Sam.

Ang siste pa dahil magkaaway nga yung dalawa napag-usapan na bawal muna kaming lahat mag-meet hangga't hindi nalalaman ang puno't dulo ng away nilang dalawa. Kaya ayun, mamimiss ko tuloy ang girlfriend ko. Pambihira kasi 'tong dalawa na 'to eh, ang galing tumayming.

Napatingin ako kay Boom na panay ang pa-cute dun sa mga babae. Sila Derick at Jason naman, bising-busy sa kakatext sa mga gf nila.

"Ano ka ba, Tol. Hayaan mo lang sila."

Sabi ko habang  pinag-untog ang baso naming dalawa.

"Wala naman sila dito eh, makapag-enjoy man lang tayo.."

Dagdag pa ni Boom na nilagok ang natitirang beer sa baso niya.

"Pare, kung ano man ang iniisip mo tigilan mo na. Paano kayo magkakaayos ni Bea niyan kung dadagdagan mo pa yung dahilan ng pag-aaway niyo."

Sabi naman ni Derick na hindi mapuknat ang tingin sa cellpone nito.

"Oo nga Tol. Ikwento mo na lang kasi kung anong nangyari sainyo ni Bea. Parang ngayon lang yata  kasi kayo nag-away ng ganito ah?"

Sabat naman ni Jason na hindi rin mapuknat ang tingin sa cellphone sa kakatext.

"Wag na, Tol. Maliit na bagay lang naman yun eh. Sa ngayon, mag-enjoy na lang muna tayo."

Sabi nito na ngiting ngiti.

"Mamaya na kasi kayo magtext diyan. Ang daming magagandang babae ngayon oh? At lahat sila satin nakatingin, Ano ba kayo! Tara!"

Dagdag pa nito na hinila ang mga cellphone nila Derick at tumayo. Naglakad siya papunta sa mga babaeng kanina pa niya pinagdidiskitahan.

Naiwan kaming tatlo sa table namin hanggang sa nilapitan kami ng mga babaeng nayaya ni Boom na maki-share samin. 4 din sila gaya namin, at lahat sila umupo sa sa bawat pagitan namin.

"Hi? Chase right?"

Sabi ng isang babaeng naka-red dress na napakaikli na animo'y naubusan ng tela at litaw ang cleavage. Lumapit siya sakin at iniabot  ang kamay niya para makipagkilala.

Tinanguan ko lang siya at hindi nilingon ni minsan. Kahit anong pilit niya na kausapin ako, sinusuklian ko lang siya ng pagtango at pag-iling. Hindi makahalata na ayaw ko siyang i-entertain at kausapin.

Nang maubos ko na ang beer ko, nagpaalam ako kay Boom na pupunta lang ng banyo. Hindi ko na kasi matiis ang kaartehan ng babaeng kanina pa balak lumingkis sa katawan ko.

Oo, lalake ako at madaling matukso. Pero hindi na ako gaya ng dati na basta na lang papatol sa mga ganung klase ng babae. Nagbago na ko, dahil yun kay Samantha.

Dahil sa kanya

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon