TLGMMBG ♕4

81.3K 884 35
                                    

SAM

"Ma! I'm home!!"

Sigaw ko pagpasok ko ng bahay namin.

"Ma???!!"

Abeeeh—Nasan na ba yung nanay ko? Tsk. Nagugutom na ako, how I wish may cookies pa sa pantry. I am so craving for sweets and you don’t want me when I crave sweets; I hoard when I do.

Inilapag ko lang yung mga books ko sa sala tapos dumiretso ako sa pantry para kumuha ng pagkain.

Nakakita ako ng cookies, Lays, and ilang malaking bar of cadburry kaya kinuha ko lahat. Patay gutom lang ang dating ko. Feeling ko naubos ang lahat ng energy ko sa kakabasa at pagsaway dun sa maiingay sa library habang nag-aaral ako. Kaynis.

Nakaipit yung Lays at chocolates na dala ko sa magkabilang kili-kili ko tapos yung jar ng cookies nasa kaliwang kamay ko tapos ‘yung nadampot kong pizza sa right hand ko. Dumampot na din ako ng fruit juice pero nakasubo na sa bibig ko. Naglakad ako paakyat ng office ni Mama na hindi makadala.

Nakabukas ang pinto ng office niya, kaya sumilip ako..

"Ma??"

Napahinto ako sa pagtapak ko sa loob. Buti na lang at mahina lang ang pagtawag ko sa kanya.

"Omo!" Bulong ko dahil sa gulat ko.

May bisita pala si Mama kay dahan dahan akong lumabas pero nakita pala ako ng Mom ko kaya sinenyasan niya ako nang ‘wag lumabas.

Sumenyas ulit siya sakin na lumapit ako dahil siguro and I assume na ipapakilala niya ako sa kausap niya.

Kain pa rin ako ng kain hanggang sa namumuwalan na ko. Eh sa gutom ako. Bakit ba?!

 "Oh—Just in time. I would like you to formally meet my daughter Samantha."

Just in time? So—ako ang pinag-uusapan nila?

Lumapit ako at nagbow sa taong nakaupo sa swiveling chair sa tapat ni Mama.

Nilunok ko muna yung kung anong laman ng bibig ko bago magsalita. "Hello po, my name's Samantha.."

Tumingala ako and tumingin sa kanya pero—

Nakangiti siya ng nakakaloko.

A—Anong ginagawa dito ng hambog na 'to?

Nalaglag lahat ng kinakain ko. As in lahat ng bitbit bitbit ko nung umakyat ako. Buti na lang at sa plastic jar nakalagay ‘yung cookies kundi nabasag sana ‘yun nung nalaglag ko.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon