TLGMMBG ♕20

51.3K 553 25
                                    

CHASE's POV:

Dahil sa galit may mga bagay tayong nasasabi na hindi naman dapat.

Dahil din sa galit may mga bagay na nagagawa tayo na sana hindi na lang natin nagawa.

Bakit ba kasi nasigawan ko pa siya?

Tuloy, ngayon nagsisisi pa ako ngayon.

Nung dumating kami ni Sam dito kanina, hindi ko na siya ginising dahil sa napagod yata siya sa pagpunta namin sa palengke. Patapos na rin yung party nung dumating kami kaya nakisali na lang ako sa kanila matapos kong maligo.

Paumaga na rin ng matapos ang pool party ni Boom, hinahanap nila sakin si Sam kaya sinabi ko na lang na natulog ng mahimbing kaya hindi na nababa at nasama samin.

Nag-alisan na ang lahat ng bisita ganun din yung mga kasama namin dito sa resthouse na nag-akyatan na sa kani-kanilang kwarto para makapagpahinga.

Ako na lang ang naiwan sa may pool side. Nag-inom ako mag-isa.

Bakit ba kasi ako nagi-guilty dahil nasigawan ko siya eh diba kasalanan naman niya kung bakit ako nagalit sa kanya?

Hindi ba dapat matuwa pa siya at isang Chase Padilla ang nag-alala sa kanya? Tss.

Ewan ko ba kay Sam. Naguguluhan na lang ako lagi sa sarili ko tuwing kasama ko siya. Ibang iba kasi siya sa mga babaing nakilala ko. Walang halong pagpapanggap.

Nang maubos ko yung beer ko, umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Papasok na sana ako sa pinto ng may marinig akong ungol mula sa katabi kong kwarto.

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto nito para makinig. Medyo lumalakas yung ungol kaya napatindig ako.

Hindi ba si Sam ang nasa katabi kong kwarto??!!

Napaisip agad ako.

Anong ginagawa niya!?

Anong nangyayari sa kanya?!

Anong meron sa kwarto niya?!

P-pa-Pasukin ko ba at alamin kung anong meron??

Baka may magnanakaw sa kwarto niya at may ginagawa ng masama sa kanya!!

Nagdalawang isip pa muna ako at tumingin sa paligid bago ko tuluyang binuksan ang pinto.

Kukuha pa sana ako ng pamalo kaso naisip ko na gangster nga pala ako, kaya marunong akong makipaglaban. Kamao ko lang ang katapat niya!! Bakit ba hindi ko yun agad naisip?

Nakiramdam muna ako sa paligid bago ko itinapak papasok ang mga paa ko sa kwarto niya.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon