TLGMMBG ♕9

64.6K 668 28
                                    

SAM

“Happy Birthday Samantha!” Sabay-sabay nilang sigaw lahat nang makita nila ako. May pa-confetti pa si Kiel sabay lumapit siya agad at niyakap ako.

"Happy Birthday Sam!" Bati niya matapos niyang kumalas sa yakap naming dalawa at ginulo ang buhok ko.

Sumunod naman agad si Steph at Krystal na siyang may hawak ng cake. "Happy Birthday Sis! Surprise!" Sabay na bati nilang dalawa. Nanlaki din ang mga mata nila nang makita nilang kasama ko si Chase na dumating sa bahay pero mukhang palilipasin muna nila ang pagiging mausisa nila ngayon dahil birthday ko.

All this time nakanganga lang ako at hindi maka-respond sa mga bati nila. Seryoso ba silang birthday ko ngayon? Psh. Bat hindi ako aware sa calendar at sa sarili kong birth date? Siguro dahil masyado akong consumed ng maraming bagay na gumugulo sa isip ko, dagdag mo pa na lagi na lang umiinit ang ulo ko kapag nakikita ko si gangster kaya marami akong nakakalimutan nowadays.

Kaya naman pala iba ang kinikilos ni Mama this morning. Pinilit niya ko na umalis ng maaga sa bahay at late na din daw sana akong umuwi. Kaynis. Kailangan ba talagang pagcommute-in ako sa sarili kong kaarawan? Nice. At dapat ba talaga na galitin ako sa araw ng birthday ko dahil sa dami ng taong pwedeng maghatid sakin sa bahay si Chase pa? Pwede naman si Kiel na lang, diba?

Isa-isang naglapitan sakin ‘yung mga bisita at binati ako. Sobrang dami ng taong ininvite ni Mama kaya nakakatuwa. Napalingon lang ako sa likod ko para hanapin si Chase pero hindi ko na siya mahagilap dahil sa dami ng bumabati sakin.

Nang medyo napagod na ako kaka-entertain sa kanila, nag-lakad lakad ako para hanapin si Mama at nakita ko siya sa may kitchen na naghahanda ng specialty niyang pasta. “Ma!” Sinalubong ko siya agad ng yakap at halik. “Thank you, Ma. I love you.”

"Diyos ko nakakagulat ka namang bata ka. Happy Birthday Sweetie, I love you too." Siya namang halik niya sa cheek ko at hinawi ang ilang buhok sa mukha ko.

“Thank you, Ma. Kahit na alam kong alam mo na ayokong maghanda sa birthday ko ginawa mo pa din.” I said as I gave her my precious smile. Halos maluha ako nang makita ko ang mukha niya. God knows how thankful I am na siya ang Mama ko. She’s so loving and she gave me the unconditional love I could ever have.

"Anything and everything for you, Sweetie. You deserve this." Nakangiting sabi naman ni Mama kaya binigyan ko siya ulit ng isang mahigpit na yakap.

Napakaswerte ko talaga na kahit wala na si Papa, nandyan siya para makumpleto at maging magaan ang buhay ko. Hindi ‘man kami gaanong nagkakasama dahil sa busy schedules niya, ina-assure naman niya every minute of our lives kung gaano niya ako kamahal at gaanong kahalaga sa buhay niya. Kaya I wouldn’t ask for more, si Mama lang buong buo na ko.

   

"Happy Birthday hija.." She bid kaya napapunas pa muna ako ng luha bago lumipat at humalik sa pisngi ni Tita Emily.

"Thank you po, and thank you for coming." Ako.

"Don’t mention it,.. ugh here's my gift.” Inabot naman niya sakin ang isang malaking box kaya kinuha ko.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon