TLGMMBG ♕28

40.7K 432 40
                                    

SAM's POV:

Another day passed and just like yesterday and the other day, still no progress between me and Chase. Hindi pa rin niya ako kinikibo at kinakausap.

Ako na nga yung lumayo pansamantala baka kasi mas magalit siya sakin kapag madalas niya akong makikita na kasama sila Boom.

Habang nasa bahay ako ngayon at nanonood ng TV, kumatok ang Mama ko sa kwarto ko at kinausap ako.

"Hey Sweety."

Sabi nito at naupo sa kama ko.

"Yeah, Mom?"

Sagot ko na napangiti ng mapait sa kanya.

"Is there any problem?"

Hinawakan niya ang kamay ko at ang pisngi ko.

"Wala naman, Ma. Okay naman ako. Bakit po?"

Sagot ko habang hinawakan din ang kamay niya.

"Alam mo naman na kahit ano pwede mong i-share sakin diba? Anything..Kahit pa about kay Chase yan."

Ngumiti pa siya ulit sakin.

"Alam ko, Ma. Its just---wala naman po talagang problema."

Okay. Alam kong nagsisinungaling ako ngayon sa kanya. Pero kasi ayoko lang na madamay pa siya sa simpleng away namin na 'to. Ayoko rin kaseng dumagdag pa sa iniisip niya, pati malapit na rin kasi yung Death Anniversary ni Papa kaya ayoko ng makabagabag pa 'to kay Mama.

"Okay, sige. Ahm----Anak, aalis kasi ako ngayon. May business meeting ako sa Davao and I'll be gone for 3 days, dapat kasi si Pinky na lang yung papapuntahin ko dahil wala kang makakasama pero kasi ang gusto ng client eh ako mismo ang makipag-deal sa kanila. Kaya----maiiwan kita. Papabalikin ko na muna si Ate Manang dito sa bahay para may kasama ka. Ha?"

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon