TLGMMBG ☠42☠

34.7K 418 57
                                    

CHASE’s POV:

‘Sorry Samantha, I’m really really sorry..’

Mga katagang ilang ulit kong naririnig sa utak ko.

Mga katagang hanggang sa panaginip ko kasama ko.

Ang salitang sorry na hindi ko kayang sabihin ang totoong dahilan sa likod ng lahat ng ito.

Dahilan kung bakit nagawa kong talikuran ang lahat ng sayang kaya mong ibigay sa buhay ko. Kapalit ng kakarampot na meron ako, ipinagpalit ko ang taong kasalukuyang tinatawag kong BUHAY ko.

Maraming magsasabing TANGA ako dahil sa ginawa ko, pero kung alam mo lang ang lahat ng dahilan baka sabihin mo pa sakin ‘NAGMAMAHAL KA LANG AT TAMA LANG LAHAT YAN.’

Pero dahil nga sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon, ang salitang SORRY LANG ANG KAYA KONG IBIGAY.

Sorry na kahit ilang beses ko pa yatang sabihin hindi mo rin maiintindihan.

Pero may ilang sorry na kaya kong sabihin tulad ng sorry dahil hindi na kita kayang ipaglaban.

Sorry dahil sa laban na ‘to mukang kailangan kong iwan ka.

 Sorry dahil hindi ko kayang mag-stay sa tabi mo.

Mga sorry na walang katuturan kung pakikinggan mo. Pero kung iintindihin mo lang ako, sigurado ako hindi naman tayo hahantong sa ganito.

“Tol, ano pa lang nangyari at biglang balik tayo sa pagiging goons natin? Bakit biglang napapadalas na naman ang mga laban natin? Tyaka lahat na lang yata ng imbitasyon ng laban pinapatulan natin kahit mga pipitsugin? Yan tuloy pinagtatawanan tayo ng ibang gang, akala kasi nila wala na tayong magawa sa buhay kaya kahit ano na lang pinapatos natin. Ano ba kasi talagang nangyari? Tyaka baka mamaya isipin nila mababang uri na tayo ng gang, tayo pa naman ang HIGH END ng salitang GANG.”

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon