TLGMMBG ♕31

39K 429 81
                                    

SAM's POV:

"Wag kang pumikit habang nasasaktan ka, imulat mo ang mga mata mo para matauhan ka."

Bungad sakin ni Kiel nang makausap ko siya sa phone.

Hindi ko na kasi kaya yung bigat ng loob na nararamdaman ko, wala akong taong mapag-labasan ng sama ng loob, wala akong taong makaramay ngayon, at lalong walang tao ngayon na makakapagsabi sakin kung gaano kasakit ang mga nangyari ng mga nakaraang araw.

Wala akong choice kundi ang tawagan na siya, siya lang kasi ang mas nakakaintindi sakin. Tyaka marinig ko lang ulit yung boses niya pakiramdam ko maayos na ako. Sa kanya lang ako nakakahugot ng lakas pati ng pag-asa.

Ang hirap kasi talaga ng wala siya, iniiwasan ko na sanang makaistorbo pero para akong bulkang sasabog kapag hindi ko nailabas 'to.

Ni hindi ko rin kasi mai-share kay Krystal yung problema ko dahil sila mismo ni Derick may pinagdadaanan at lalong hindi ko make-kwento kay Steph 'toh dahil kamamatay lang ng Lola niya.

Haaay buhay nga naman. Buti na lang at kahit nasa malayo si Ethan Kiel eh nandyan pa rin siya ano mang oras para sakin.

"Salamat Kiel ah tyaka sorry na rin kasi nakaistorbo pa ko."

Sabi ko habang nagpupunas ng luha gamit ang mga kamay ko.

Narinig kong huminga pa muna siya ng malalim mula sa kabilang linya bago sumagot.

"Kanina ka pa sorry ng sorry tyaka thank you ng thank you. Tama na yung isang thank you lang, tyaka hindi mo kailangan mag-sorry dahil ako naman ang nangulit sayo na i-share mo yung problema mo. Ako nga ang dapat mag-sorry eh."

Paliwanag pa nito.

Napahikbi pa muna ako at sumagot ulit.

"Basta. Sorry tyaka thank you pa rin. Uhm----Teka? Kelan ba kasi ang balik mo dito? Namimiss na kita!"

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon