TLGMMBG ☠45☠

34K 500 33
                                    

SAM' POV:

Una sa lahat, mabait ako lalo na sa taong mabait sakin.

Pangalawa, mahaba ang pisi ng pang-intindi ko.

Pangatlo, hindi ako nagpapaapi lalo na sa mga taong lolokohin lang ako.

At panghuli, Ako si Samantha, at dahil matalino at maganda ako walang pwedeng gumago sakin.

Ito na ngayon ang bagong Samantha na haharap sa mga taong naiwan ko sa Pinas.

This is the new Samantha Bernardo. Samantha version 2.0

Itaga mo yan sa bato. Wala ng taong pwedeng gumago sakin.

Bago pa man ako ma-discharged sa hospital kabi-kabilang issues na ang hinarap ko. Kesyo girlfriend daw ako ni Kai at buntis daw ako kaya ako isinugod sa hospital. At dahil sa malaki ang magiging impact ng bawat sagot ko sa career niya, napag-utusan ako ng company kung saan ako under at ng label holder nila Kai na wag kong I-confirm ang issue at wag ko rin daw I-deny. In short, let the pictures and our gestures state for itself.

Oh well, wishing well. Pabor sakin ang lahat ng 'to. Bukod sa hindi ako mapapagod sa kaka-explain, hindi pa masasayang ang laway ko sa mga taong huhusga lang sa pagkatao ko.

Nag-vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko itong dinampot mula sa handbag ko.

Napasagot naman agad ako sa tawag. "Hello?" Bungad ni Krystal mula sa kabilang linya.

Napahawak na lang ako sa noo ko at napatukod sa pinto ng kotse. "Mmm?" Maikling sagot ko sa kanya.

"Kamusta sis? Grabe, I miss you na!" Napahagikgik na sagot niya.

"Okay lang ako, kayo dyan?" Mahinahong sagot ko sa kanya. Medyo nanghihina pa kasi ako gawa ng hindi ako gaanong nagkakakain.

"We're okay. Kelan ang uwi mo?"

"Soon." Napabuntong hininga ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? I heard na-hospitalized ka daw due to overfatigue? Grabe ka sis. You mean you're working your ass off there?" Excitement was filled in her voice.

"A-ah oo. Medyo nakakapagod kasi ang photoshoots dito." Napatingin ako sa harap ng kotse kung saan nakasakay si Mamang at sumenyas na ibaba ko na ang tawag.

"A-aa-sis. Sorry. I need to go na kasi." Pagpapaalam ko.

"Ayy ganun ba? Sige ah. Ingat ka dyan."

Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya dahil saktong dumating na kami sa destination namin.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon