TLGMMBG ♕18

48.5K 531 25
                                    

SAM's POV:

Alam mo yung feeling na sobrang napahiya ka?

Parang gustong gusto kong magpakain sa lupa agad-agad, yung tipong ako na mismo ang maghuhukay para lang mabaon ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Bakit ba kasi dun nag-park yung lalake na yun, eh pwesto ni Chase yun?

Tyaka..

Bakit hindi man lang niya ako sinabihan na mali ako?

Pwede naman niyang sabihin na..

"Miss, wag kang engot. Mali ka ng sinakyan."

Waaaa!! Nakakahiya talaga. >///<

Idagdag mo pa yung pang-aasar ng Chase na yun. Akala mo kung sinong hindi nagkakamali.

Ayoko na lang isipin.

Ibabaon ko na lang sa limot yung kanina.

Sana lang hindi ko na lang siya ulit makita. Dahil kapag nangyari yun, ngayon pa lang sisimulan ko na maghanap ng magandang lupang hukayin. XD

Bukod sa kanina pa ako nagmumukmok, eh hindi ko alam kung saang lupalop na ako tinangay ni Chase. Hindi ko na din kasi napansin kung nasan kami kase kanina pa ako iritang-irita.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Pang-ilan na tanong ko na rin sa kanya yan pero wala siyang matinong sinagot sakin ni minsan.

"Dun---LAYO!"

Sabi niya na nakangiti pa ng nakakaloko.

Yung totoo? Dadalin ba ako neto sa Spratlys para ilaban sa mga Chinese?! o ililibing ng buhay dahil sa galit niya sakin?

Ang layo na ng narating namin hanggang sa huminto kami sa isang bar.

Basta na lang siyang bumaba at naunang pumasok sa loob bago ko pa man maitanong kung anong ginagawa namin doon.

"Sabi ko nga, sumunod ako sayo.."

Sabi ko sa sarili ko habang tinatanggal ang seatbelt ko. Napailing na lang ako. Ang ugali nga naman ni yabang, ni hindi na yata magbabago.

Bumaba na ako ng kotse niya at pumasok sa bar. Iginala ko ang mga mata ko pagpasok ko sa loob para hanapin si Air Bender.

"San na napunta yun?" 

Sabi ko. Habang panay ang hanap sa kanya.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon