TLGMMBG ♕35

42.4K 491 56
                                    

CHASE's POV:

Hindi ko alam kung anong pinakain sakin ni Samantha kung bakit ganito ko na siya kamahal ngayon.

Simula kasi nung nawala siya, hindi ko naisip na sobrang laki  pala ng kulang sa buhay ko kahit pa akala ko nasakin na ang lahat.

Hindi ko naisip na sobrang laki pa pala ng kulang sa buhay ko. At siya lang ang gusto kong pumuno nun. Siya lang, wala ng iba pa. Cheesy ko ba? LOL XD

Bakit nga ba hindi ko agad na-realize nung una pa lang na mahal ko na siya?

Nung panahon na maayos pa kaming dalawa. Pero dahil naman sa pinagdaanan namin, mas nakilala ko ang sarili ko. Mas nalaman ko ang totoo sa kung anong nararamdaman ko.

Hindi ko man ginusto noon na umalis siya dahil sakin; dahil nga sa kakitiran ng utak ko pero nalaman ko naman ang tunay niyang halaga sa buhay ko.

Ang totoo kasi niyan, hindi ko naman talaga nalaman kay Krystal ang tungkol kay Sam, dahil yun kay Seyd.

Isang gabi kasi matapos umalis ni Sam nun na wala akong kamalay-malay, isang galit na Seyd ang sumugod sakin sa harap ng bar ko.

Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya nun na akala mo ba alam na niya ang lahat kaya hindi ko napigil ang sarili ko at nakipag-basag ulo ako sa kanya.

Tandang-tanda ko pa yung banta niya sakin nung araw na nagkita kami. Hinding hindi ko makakalimutan kung gaanong galit ang nakita ko sa mata niya.

"Hindi ka naman bulag pero ang labo mo. Hindi ka naman bingi pero ang hina mo. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sayo pa nagpapakatanga si Samantha."

Sabay sinuntok niya ako sa mukha. Nang marinig ko ang pangalan ni Sam, ni hindi ko nagawang suklian ang suntok na ibinigay niya. Hindi ko alam pero parang hinayaan lang ng utak ko na suntok-suntukin niya ako ng panahon na yun.

Siguro gusto ko kasing maliwangan sa kung anong gustong iparating ni Seyd.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon