TLGMMBG ♕11

58.3K 657 50
                                    

SAM

“Ahhhhh!” Nagising na lang ako nang humahangos at sumisigaw sa kalagitnaan ng napakahirap hagilapin na tulog ko. “Shit. Shit. Shit.” Nasampal-sampal ko pa ang sarili ko ng mahimasmasan ako. Naiinis ako dahil nagpapatalo ako sa nararamdaman kong takot. Ibinagsak ko lang ulit ang katawan ko sa kama ko habang nagpupunas ng nagsamang matinding pawis at luha ko.

After ng incident na ‘yun, lahat ng kaya kong gawin dati ng mag-isa nahihirapan ko nang ulit gawin pa. Dati mas enjoy akong magpunta ng café mag-isa odikaya maglakad-lakad pero ngayon hindi ko na magawa. Nahirapan akong magtiwala ulit sa kapwa ko dahil hindi mo alam kung sino ba sa mga tao sa paligid mo ang gagawa ng masama o mabuti sayo. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari sakin kahit pa gaano kahirap kahit pa ganito lagi ang ending ng araw ko, ‘yung magigising ako na umiiyak okaya naman hindi talaga ako makakatulog. Mabuti na lang talaga at natapat din sa festival week at quiz bee preps ang lahat kaya hindi ko kailangan na mag-tutor kay Chase kaya mas nagkaroon ako ng maraming panahon mag-isip at itama kahit papaano ang sirkulasyon ko.

Ang hirap lang kasi dahil wala naman akong habol sa kanila, wala akong picture o kahit na anong ebidensya na pwede kong magamit para mahanap ko sila at mapanagot sa nagawa nila sakin. At mas lalong hindi ako matahimik kapag naiisip ko ang mga pwede nilang magawa sa mga susunod nilang inoseneng biktima. Sana may Seyd din na magligtas sa kanila.

 Nang mapagdesisyunan kong hindi ko kakayanin ngayong gabi ang kakaisip I wake up from bed and run downstairs. I prepared myself some sweets that would perfectly make me calm. Pag-akyat ko sa kwarto tangan ko na ang ilang chocolates at ice cream na natagpuan ko sa fridge. Binge eater daw ako sabi ng Doctor ko, ganito ko kasi pinalipas ang childhood ko ‘yung dumepende lang ang saya ko sa tamis na naidudulot sakin ng mga nakakain ko.

Right after kasi my Dad died, I got engaged into eating sweets. According to my Doctor, I was having a child depression and food was my only way to escape from reality. Isinisi ko kasi sakin ang pagkamatay ng Papa ko—ay mali pala; Ako nga pala talaga ang may kasalanan.

Isa sana itong masaya at tipikal na outing ng isang pamilya kung hindi ko lang pinairal ang pagiging pushover ko.

*FLASHBACK*

Back when I was 4 years old despite my Dad's busy schedule, nakagawa pa rin siya ng paraan para maisingit ang ilang beses ko nang iniyakan na picnic na ipinangako niya sakin. They decided na sa Tagaytay magpunta para ilang oras lang ang byahe at mas matagal kaming magkakasama.

While on our way to the picnic site, nag-stop over kami sa isang convenient store para bumili ng ilang maiinom and some candies na iniiyakan ko bago pa lang kami tumulak papuntang Tagaytay. Alam niyo na, tipikal na diva kapag solong anak ka at nakukuha mo ang lahat ng request mo kapag sumimangot ka. I was a brat, naughty and ever careless back then.

Bago bumaba ng kotse sila Mama, ilang beses nilang inulit sakin na ‘wag na ‘wag akong bababa ng sasakyan dahil baka masagasaan ako odikaya naman ay may bigla na lang dumampot sakin habang wala sila. Pero syempre dahil dala ng kamusmusan at katigasan ng ulo, hindi ako nakinig sa kanila. 

I saw this one kid knocking over our car's window helding a stick of cotton candies which obviously made me feel envy and drool. ‘Yung feeling na nainggit ako sa batang may tangan ng isang tangkay ng cotton candy, nainis ako dahil bakit siya meron at ako wala. Mas nainis pa ako nang humingi ako sa kanya sinuklian lang niya ako ng pandidila kaya ayun, walang kaabog-abog na tinanggal ko ang seatbelt na nakakabit sakin at bumaba ng sasakyan.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon