Chapter 20

381K 5.1K 339
                                    

Vote. Comment. Fan. Thanks! 

 

---------

 

“Can you at least pretend that you’re happy with me?” napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Lance. I looked at him. Kanina pa kaming magkasamang dalawa. Siya lang ang nakakaalam nung condo ni Mikael dahil nagpasundo ako. Si Mikael… masyado siyang busy ngayon. Marami siyang ginagawa ngayon and I can’t distract him or what. Sinusubukan kong dumistansya ng kaunti sakanya dahil na din naisip kong hindi naman siya pwedeng masanay na lagi akong nasa paligid niya. As much as I want to…

“I’m happy,” I shrugged. Ngumiti din ako ng tipid. Masaya naman akong kasama si Lance… magiging mas masaya nga lang if I’m with Mikael.

“Tss. Yeah, whatever,” naglakad siya at nilagpasan ako. Nagtampo na po si Edward Lance Saavedra. Pabayaan ko kaya nang ma-rape ‘to dito sa mall? Kidding. “Lance!” I called him. Nag-iinarte siya kaya hindi niya ako nililingon.

“Laaaaaance!” mas malakas ang sigaw ko pero hindi niya pa din ako nililingon. Kaartehan at its finest. “Edward Lance Saavedra, I swear kapag hindi ka bumalik dito, I won’t talk to you forever!” nakita ko namang huminto siya sa paglalakad. May mga nakatingin na sa aming dalawa. Nilingon niya ako at tinignan mula sa kinatatayuan niya. Yumuko siya at ngumiti sabay napailing. Lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “You know very well that you’re my weakness kaya lagi mong ginagamit ang kahinaan ko sa akin…”

“What are you—“

“Do you know hard it is seeing you with Kerko?” tanong niya sa akin, hindi ako kumibo. “It’s like I’ve been hit by a 10 wheeler truck again and again and unfortunately, I’m still alive…”

Napatingin ako sakanya with my ‘you’ve got to be kidding me look’ . “Ang OA mo ha?” I punched him softly in his abdomen pero hinawakan niya ang kamay ko. “Manananching ka pa e,” he chuckled. “If you want to see it, pwede naman e…” he said in a low voice.

“Puro ka talaga kalokohan, Lance,” I rolled my eyes. “Wala sa plano ko ang maging isa sa mga babae mo, excuse me lang…”

“Babae ko? Nagpapatawa ka, Mikachu…” hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na naman kaming maglakad. “Mikachu?” ano ako? Pokemon?

“Cute nga e, Mikachu,” he smiled at me. No doubt kung bakit ang daming nagkakagusto sa lalaking ‘to. Napakagwapo din naman kasi talaga… minsan may sense of humor pa unlike ni Mikael na mabiro mo lang ng konti, susungitan ka na.

“Yeah, whatever…” I mimicked his tone earlier. He held my hand tighter. Nakikita kong tinititigan siya ng mga babaeng nakakasalubong naming pero halatang wala siyang pakialam sa mga ito. “LalalalalaLance, LalalalalaLance…” I was humming the LINE tune… ‘yung kay Jessy Mendiola at Matteo? Natawa naman ako ng tinitigan ako ni Lance. “Why? It’s cute naman, right?” I smiled sweetly.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon