¤Epilogue¤

2.8K 71 19
                                    

{Lawrence's POV}
"Hello Mika, How are you? Ako eto miss na miss kana." Inilapag ko 'yung hawak na kong bulaklak at umupo sa harap ng puntod.

"Kahit na sinabi mo sa'kin na wag na kitang hinatayin, hindi ko magawa. Kasi mahal na mahal kita." Hinihimas ko lang 'yung lapida kung saan nakalusat ang pangalan niya.

"Hanggang ngayon hinihintay parin kita. Iniisip ko parin kung ano ba 'yung sasabihin mo sa'kin nung araw na lisanin mo ang mundong 'to." Sabi ko at pinipigilang umiyak.

"Lawrence." Agad akong nalatingin ng may tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko ang Kuya ni Mika.

"Kyle." 'Yun na lang ang nasabi ko.

"Mabuti at nakita kita dito." Sabi niya at may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya.

"Pinapabigay ni Mika." Sabi niya sabay abot ng isang papel sa'kin.

"Nakita ko 'yan sa kwarto niya. Pasensiya na kung ngayon ko lang nabigay sa'yo 'yan." Sabi niya kinuha ko 'yung papel sa kamay niya.

Tinapik naman niya ako sa balikat ko. At umalis na.

Binuksan ko 'yung papel at sinimulan kong basahin 'yun.

Dear, Lawrence.
Kung nababasa mo 'to, ibig sabihin hindi ko na nasabi sa'yo lahat ng gusto 'kong sabihin nung nabububay pa ako.

So idadaan ko nalang sa sulat.

First of all, maraming salamat sa pag mamahal sa'kin. Kahit na feeling ko, hindi ko deserve 'yung pag mamahal mong 'yun.

Salamat sa magagandang ala-alang binigay mo sa'kin.

At least masasabi ko na kahit sandali lang, at naging masaya ako kasama ka ^___^.

Alam ko na hanggang ngayon ay wala parin akong sagot sa'yo, kaya ang tagal kong pinag isipan kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa'yo.

Kahit ako gulong-gulo rin. Kasi sa ilang taon kong nabuhay sa mundo, hindi ko pa naranasang mahalin at mag mahal.

Kaya sorry kung pinag hintay kita ng matagal.

This time for sure sigurado na ako, Mahal rin Kita Lawrence.

Gusto ko sana sa personal sabibin sa'yo, kaya lang hindi ko na nagawa.

Maraming salamat sa pag papasaya at pag mamahal sa'kin.

Sana maging masaya ka parin kahit wala na ako.

Hindi ko sinasadyang pag hinatyin ka ng ganito katagal.

This time, hindi mo na ako kailangan hintayin pa.

Humanap ka ng taong mag papasaya sa'yo, mag mamahal sa'yo ng buong puso.

'Yun lang ang tanging hiling ko sa'yo.

I'm really sorry, for leaving you and everyone else.

Sana maging masaya kayo.

Kahit na wala na ako sa mundo ay palagi lang akong nasa tabi niyo.

Love,
Mika :)

Walang tigil sa pag agos ang mga luha ko habang binabasa 'yung sulat niya.

Masaya rin ako na nakilala kita Mika, kahit na sandaling panahon lang tayo nag kakilala.

Hindi kita makakalimutan kailanman.

Sana masaya ka kung nasan ka man.

Siguro panahon na para mag paalam sa'yo.

Paalam na.


Fin.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now