¤Chapter Eleven¤

1.7K 54 2
                                    

{Mika's POV}
"Mika may gusto sana akong sabihin sa'yo." Mahinahong sabi ni Ma'am Aliyah sa'kin.

Nandito kaming dalawa ngayon sa changing room ng mga employees.

"Ano po 'yun?" Tanong ko sa kaniya. Hinihintay ko yung susunod niyang sasabihin.

"Pasensiya kana, pero kailangan na kitang tanggalin sa trabaho mo." Napatingin naman agad ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun.

"Po? B-bakit po?" Hindi maka-paniwalang tanong ko kay Ma'am Aliyah.

Bakit naman biglaan yung pagta-tanggal niya sa'kin sa trabaho? Wala naman akong ginagawang masama.

Hindi naman siya maka-pagsalita.

"M-may ginawa po ba akong Hindi niyo nagustuhan?" Patuloy ko, pero Hindi parin siya maka pag-salita.

"B-bakit Hindi po kayo nagsa-salita?" Tanong ko sa kaniya, doon niya na ako tinignan sa mga mata ko atsaka nag salita.

"May iba nang papalit sa'yo, kaya pwede ka ng umalis." Cold na sabi niya at bumagsak naman Ang mga balikat ko nang marinig Kong sinabi niya 'yun.

Tuluyan nang umalis si Ma'am Aliyah at naiwan na akong mag isa dito sa changing room.

Hindi ko na napigilan at ini-untog ko yung noo ko sa nakasarang locker.

Wala na akong magagawa kun'di Ang umalis na Lang dito. Ano pa bang gagawin ko dito? Tinanggal na nga ako sa trabaho eh.

Pumunta din ako sa convenience store kung saan pa ako nag ta-trabaho. Pero bigla nalang rin akong sinabihang tanggal na ako sa trabaho.

Ano bang ginawa ko para tanggalin nila ako? Wala naman akong ginagawa ah.

Maayos naman akong mag-trabaho.
Napa-sabunot nalang ako sa buhok ko. Hindi ko na alam Ang gagawin ko. Hindi pa ba sapat lahat ng pag hihirap ko?

Monday na naman. It means may papasok na naman.

For the first time in my life akong tinamad pumasok ngayon, pero dahil scholar ako at Hindi pwedeng Hindi ako papasok, kaya no choice.

Sabay kaming pumasok ni Joanna at as usual wala na naman siyang tigil kaka-kwento.

"Oo nga pala Mika." Sabi niya. Nag-hmm Lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Nakita ko kayo ni Lawrence noong Sabado. Anong meron sa inyong dalawa, ha?" Sabi niya sabay Siko sa tagiliran ko.

Bigla ko naman na-alala yung time na niyakap niya ako.

"Ayiee! Siguro nililigawan ka niya no?" Pang-asar niya.

"Hindi niya ako nililigawan. Tsaka Hindi Kami close." Diretsong sabi ko.

"Why? Bagay nga ka'yo eh. Yiee kinikilig ako kapag naiisip Kong magiging kayo ni Lawrence. Waahh!" Kinikilig niyang sabi.

Inirapan ko Lang siya ng mata.
"Whatever, wala akong panahon para diyan. Marami pa akong problemang kailangang intindihin. Tsaka wala namang  forever no. Kahit na sabihin mong Mahal niyo Ang isa't-isa, mag hihiwalay parin kayo." Sabi ko sa kaniya.

"Ayy Ang taray may pag hugot? Alam mo ikaw Ang bitter mo. Tss, Tara na nga." Sabi niya at hinila na niya ako para makapag lakad ng mabilis.



Nilalagay ko na sa locker ko yung mga gamit na Hindi ko pa gagamitin, nang biglang may nag-sara ng pinto ng locker ko habang nasa loob pa yung kamay ko.

Malakas yung pag kakasara niya nasaktan ako, pero Hindi ko iniinda.

"Long time no see,Mika." Rinig ko sa boses niya Ang pang-aasar.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon