¤Chapter Twenty-Seven¤

2.4K 59 6
                                    

{Kyle's POV}
"Can I have a word with you Mr. Santos?" Tawag sa'kin nung doctor.

"Yeah sure." Sabi ko at iniwan ko muna si Mika kasama ng mga kaibigan niya.

Sumunod ako sa doktor papunta sa opisina niya.

Mukhang seryoso 'yung sasabihin niya sa'kin, kaya hindi na nag tatanong.

Nang makarating kami sa opisina niya ay pinaupo niya ako at umupo na rin siya.

Mga ilang segundo kaming tahimik bago ako mag decide na mag salita.

"May problema po ba?" Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago mag salita ulit.

"I'm sorry Mr. Santos." Panimula niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya 'yung salitang 'yun.

"Terminal na ang cancer ng kapatid mo. Nire-reject ng katawan niya ang mga treatment na ginagawa namin sa kaniya. Wala na kaming magagawa pa." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"What? So you're saying na wala ng chance mabuhay ang kapatid ko?" Nag crack ang boses ko ng sabihin ko 'yun, dahil pinipigilan kong umiyak.

"Yes. And mabilis na kino-consume ng infection ang katawan niya. Kaya you need to prepare for the worst." Napahilamos nalang ako dahil dun.

"I'm really sorry." Tumayo na ako at lumabas ng opisina niya.

Walang buhay akong nag lalakad sa hallway ng ospital. Nakarating ako sa kwarto ni Mika at nag dadalawang isip bago ako pumasok.

Naririnig ko mula sa labas ang mga tawanan nila sa loob.

She deserve better, bakit kailangang siya pa?

Dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto at pumasok na sa loob.

Nakikita ko na medyo na hihirapan na rin siya.

Pinipilit niya nalang ngumiti.

Naaalala ko 'yung kinuwento niya sa'kin.

Puro pag hihirap nalang ang naranasan niya sa buhay niya.

Ang unfair ng mundo sa kaniya. She really deserve to be happy.

Bigla nalang akong napaiyak dahil dun.

Agad kong pinunasan xyung luha ko para hindi nila makita.

"Ehem." Agaw pansin ko sa kanila.
"Can I have a moment with her?" Paalam ko sa mga kaibigan niya.

Pumayag naman sila kaya naiwan na kaming dalawa ni Mika.

"So?" Sabi niya. Napataas naman 'yung kilay ko dahil dun.

"Anong So?" Tanong ko sa kaniya.

"Alam kong may sinabi 'yung doktor sa'yo. Nakita kaya kitang nag pahid ng luha kanina." Natatawang sabi niya.

This time napaluha na naman ako. Sa harap ni Mika.

Hinawakan ko 'yung kamay niya. Gusto kong maramdaman 'yung init ng katawan niya.

Gusto kong maramdaman 'yung pulso niya.

Ayoko pang mawala siya sa'kin.

Ayokong mawala ang pinaka mamahal kong kapatid.

Napahagulgol na ako ng iyak dahil sa mga nasa iisip ko.

"Tahan na Kuya." Sabi niya habang hinahagod 'yung likod ko.

"Kahit na wala na ako sa mundo. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Basta wag mo kong kakalimutan. Babantayan kita palagi." Naka ngiting sabi niya sa'kin.

"Bakit parang wala lang sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

Parang okay lang sa kaniya na malapit na siyang mawala sa mundong 'to.

"Kasi matagal ko nang pinag handaan ang araw na'to. Noong mga panahong wala ka pa. Wala pa sila Joanna. Handa na akong tanggapin na darating ang araw na mawawala rin ako. And siguro ngayon na nga 'yun. Kaso wrong timing eh." Sabi niya sa'kin.

"Kasi dumating kayo. Akala ko wala ng mag mamahal sa'kin. Kaya pinilit kong patayin ang sarili ko. Kaso nung dumating kayo, tsaka naman nag decide si lord na kukunin na niya ako." Sabi niya.

"Mahal kita Kuya. Kahit na maikling panahon lang tayo nag kasama." Sabi niya habang matamis na nakangiti sa'kin.

"So wag ka ng umiyak. Nakakabawas ng pagka lalaki 'yan." Dagdag pa niya.

Kahit na ayaw kong tanggapin ay siya tanggap na tanggap na niya talaga.

Kung sana mas maaga ko siyang nahanap, edi sana matagal ko pa siyang nakasama.

Edi sana ngayon marami na kaming memories.

Edi sana nagamapanan ko 'yung pagiging Kuya ko sa kaniya.

Hindi natin malalaman kung hanggang kailan nalang mabubuhay ang isang tao.

Kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ito.

Kaya maraming oras at pag kakataon ng sinayang natin.

Kasi palagi nating iniisip na may bukas pa, na may next time pa.

Malalaman mo lang na marami kang nasayang na oras, sa panahong bilang nalang ang oras mo sa mundong 'to.

Kapag dumating ang araw na 'yun dun mo lang mare-realise na sana maaga palang nagawa mo na 'yung mga bagay na hindi mo na magagawa pa.

Tsaka lang natin marerelise na malaga pala ang isang bagay, kapag huli na ang lahat.

Mare-realise mo lang na mahalaga siya sa'yo, kapag nawala na siya sa tabi mo.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora