¤Chapter One¤

4.2K 72 4
                                    

{Mika's POV}
"Salamat po. Balik po kayo ulit." Sabi ko sa customer sabay pakita ng pekeng ngiti.

Katapusan ng buwan ngayon, at hinihintay Kong bigyan ako ng sahod ng manager ko dito sa convenience store.

Kailangan ko na Yung sahod, Dahil bayaran na ng mga bills.

Buti nalang Hindi Kami ng re-renta ng bahay.

Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na.

6:17 P.M

May isa pa akong trabaho mamayang 7:00.

Napa-Upo ako sa upuan, Dahil kanina pa ako nakatayo. Nakaka-ngalay Kaya.

Ilang minuto na Ang nakakalipas, pero Wala pang bagong customer Ang pumapasok.

Nagsi-simula na ring kumulo Ang tiyan ko Dahil sa gutom.

"Wag kang maingay. Tiisin mo muna, okay? Wala akong pera pambili ng pagkain." Para akong Baliw na kinakausap Yung tiyan ko.

"Mika, buti naman at na-abutan pa kita." Agad akong Napa-tayo ng marinig ko Ang boses ng manager namin.

"Manager, Bakit po? May problema po ba?" Kinakabahang Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti muna siya bago sumagot.

"Wala naman. Ito na nga pala Yung sahod mo." Sabi niya sabay abot ng sobre sa'kin.

Kinuha ko Yung sobre. Lumapit siya sa tenga ko atsaka bumulong.
"Wag kang maingay ah, Dinagdagan ko 'yan." Sabi niya sabay siko sa'kin.

"Huh? Bakit po?" Kunwaring Tanong ko, pero Ang totoo tuwang-tuwa ako, kasi may dagdag Yung sahod ko.

"Hmm, diba malapit na Ang pasukan mo. Kaya naisapan Kong dagdagan Ang sahod mo, tsaka masipag ka sa trabaho Kaya ayun. Haha." Sabi niya.

Nginitian ko naman siya ng pilit.

"Salamat po, Manager." Sabi ko sabay bow.

"Hayy. Masyado ka namang pormal. Ilang months ka nang nag ta-trabaho dito manager pa rin tawag mo sa'kin. Hihi. Jenny nalang." Sabi niya sabay peace sign.

"Eh? Ah, Okey. J-Jenny." Nai-ilang 'Kong sabi sa kaniya.

"Ayan!" Sabi niya sabay patong ng kamay niya sa balikat ko.

"Mas better." Sabay ngiti ng malaki.

Bigla namang tumunog 'Yung alarm ng cellphone ko, meaning tapos na Ang shift ko sa convenience store.

"Sige na, baka ma-late ka pa sa isa mong trabaho." Sabi niya sa'kin.

Nagpa-salamat naman ako sa kan'ya atsaka naglakad na papunta sa locker room para mag palit.

Pagkatapos Kong mag palit ay pumunta na ako sa isa ko pang trabaho.

Habang nag lalakad ako ay May nakikita akong mga Nanay na May dala-dalang grocery, Yung iba bumibili sa school supplies store.

Naalala ko na malapit na nga palang mag pasukan.

Nawala sa isip ko Dahil sa sobrang pagta-trabaho ko.

Dahil mag papasukan na, mababawasan na 'Yung oras ko sa trabaho.

Bawas oras sa trabaho meaning, Bawas sahod, bawas sahod meaning, May possibility na made-delay Yung Pag babayad ko sa mga bills sa mga susunod na buwan.

Napabuntong-hininga naman ako sa naisip ko.

Hindi naman ako Pwede um-absent para Lang mag trabaho Dahil mawawalan ng bisa Yung scholarship ko.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon